ILY-33: last shot

14.4K 376 60
                                    

Makahulugan na tumingin sa akin si Warren pagkatapos namin kumain ngayong umaga. Ilang beses pa ipinaalala sa akin ni Mommy na hindi talaga ako pwedeng pumasok sa Monday. Nakapagpaalam na raw siya sa school.

"I already talked to Nathalia..." sabi ni Mommy sa amin. Napatigil kami sa aming mga ginagawa at inaabangan ang sunod na sasabihin ni Mommy. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila? "Huwag kayong magalit sa kanya. Lalo na ikaw, Warren. Ginawa lang niya ang sa kung ano ang tingin niyang tama."

Parang piniga yung puso ko sa sinabi ni Mommy. Bakit parang hindi na niya talaga ako naiintindihan? Hindi ba niya naisip na sobrang kahihiyan ang sinapit namin noon sa party? Iba' ibang masasakit na salita ang ibinato sa amin. Lubog na lubog kami ni Warren doon. Kahit gusto kong intindihin si Ella ay mas lamang pa rin ang galit na nararamdaman ko. Siguro in time, mapapatawad ko siya pero hindi talaga ngayon.

"Mommy... Hindi ba ninyo kami iintindihin talaga?" Napayuko ako nang matalim akong tinitigan ni Mommy dahil sa pagsagot ko. "Ang... ang sakin lang naman ay napahiya kami. Sana mas inintindi nyo ang nararamdaman namin kaysa kay Ella."

"I know that, Xyren. Pero kayo rin ang nagdala sa sitwasyon na iyon."

"Pero napahiya kami. Hindi ba dapat dinadamayan nyo kami?" Nag-igting ang panga niya at hindi na nakasagot pa. Alam ko concern sa amin si Mommy pero ipinapakita nya lang na matapang sya para hindi kami gumawa ng kahit na ano na masama ni Warren.

"Kailan tayo magpapa-DNA test?" biglang tanong ni Warren. Naka-crossed arms siya habang nakasandal sa dingding. Para bang cool lang siya sa sinasabi niya at hindi iniisip kung ano ang pwedeng mangyari.

""What are you talking about? Hindi magpapa-DNA test si Xyren! Hindi na niya kailangan iyon dahil magkapatid kayo! Alam mo yun, Warren! Kita mo nang ipinagbubuntis ko noon si Xyren," matigas na sabi ni Mommy.

"Pero kung wala kayong itinatago sa amin. Gagawin natin iyon? Bakit? Natatakot ba kayo?" Nakita ko kay Mommy ang panginginig. Diyos ko, hindi kaya malaki ang pag-asa na hindi nga kami magkapatid ni Warren?

Tumunog ang cellphone ni Warren at sinagot niya iyon. Ilang sandali lang ay pumunta siya sa labas ng bahay. Hindi namin inaasahan na babalik siya na kasama si Miyo at si... Tita Yolly. Akala ko ay may kasunod pa at kasama niya ang kanyang asawa pero mabuti naman at wala. Magiging awkward para sa aming lahat ito.

"Anong ginagawa nyo, rito?!" sigaw ni Mommy nang makita sila.

"I called them. Sorry, Mom. Kung wala talaga kayong itinatago. We will do the DNA test now," sabi ni Warren. Tumingin naman ako kay Miyo pero hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya.

"Siguro bigyan mo lang ako ng chance. Gusto kong malaman kung anak ko nga si Xyren," paliwanag ni Tita Yolly.

Parang nanghina si Mommy sa narinig. Tiningnan pa niya ako na parang inaalam kung ano ba talaga ang gusto ko.

"Please?" sabi ko kaya bumuntong hininga siya.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now