ILY-34: Naughty

15.4K 416 52
                                    

Iyak ako nang iyak. Hinawakan ni Tita Yolly ang aking mukha para punasan ang halos walang katapusan na luha. Gusto kong habulin si Warren pero mali. Mali na sundan ko siya. Sa una pa lamang ay mali na ito.

"Stop crying, Xyren." Mariin na ipinikit ni Tita Yolly ang kanyang mata. Nasasaktan siya sa naging resulta. Pagkatapos ay pumunta siya kay Mommy. "Grace, sorry sa abala. Sa ibang araw na lang kita kakausapin. I want to know kung ano ang ginawa mo pagkatapos nang mga nangyari noon."

Hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi niyang nangyari noon pero isa lang ang naiintindihan ko, may alam si Mommy. Halata sa mukha niya.

"S-sge," sabi ni Mommy.

Naglakad si Tita Yolly para umalis sa amin. Naguguluhan ako. Ano yung sinasabi niya noon? Nagpahid ako ng luha para sana sundan siya pero napatingin ako kay Miyo na seryoso lang nakatingin sa akin. Mula sa likod ng bulsa ng jacket niya ay may inilabas siyang papel na katulad lang ng mga hawak namin kanina.

"Saglit lang, Mama..." sabi ni Miyo kaya napabalik ng tingin sa amin si Tita Yolly. Itinaas niya ang hawak na papel para ipakita sa aming lahat. "Naisip ko na pwedeng mangyari ang bagay na ito kaya bago pa lang kayo makapunta rito kanina ay umuna na ako. Hiningi ko ang totoong kopya sa doktor."

"A-ano yan, Miyo?!" Nagpapanic na si Mommy.

"Binayaran ko ang Doktor para magsabi ng totoo. Doble sa ibinayad mo sa kanya, Tita Grace. I'm sorry pero mali ang ginawa nyong pandadaya." Mabilis na kinuha ni Tita Yolly ang papel. Napahawak siya sa kanyang bibig nang makita ang nakasulat. "Sorry, Mama. Nagastos ko yung pera nyo sa bangko," ngumisi si Miyo sa amin.

"Xyren is my daughter, Grace! Bakit kailangan mo pang dayain ang resulta! Napakasama mo!" Nanggagalaiti sa galit si Tita Yolly. Kung ganun... ang totoo kong ina ay si Tita Yolly! Magkapatid kami ni Miyo.

Naguguluhan ako ng tumingin kay Mommy. Napailing ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Mommy ang bagay na iyon. Bakit kailangan niyang mameke! Bakit kailangan niiyang mandaya?

"Mommy... bakit?"

"Hindi kita kayang pakawalan, Xyren! Nawalan na ako nang anak noon. Hindi ko kayang mawalan ulit ng isang anak! Patawarin mo ako... Patawarin mo ako kung naging makasarili ako. Ayaw ko lang talagang mawala ka!" Iyak ni Mommy habang lumalapit sa akin. Umuron ako at hinawakan ni Miyo ang dalawa kong balikat. Humarap si Tita Yolly kay Mommy na galit na galit.

"You'll pay for this! Pagbabayaran mo ang kasakiman mong iyan. Hindi ka na naawa sa anak ko! PInag-usapan siya ng mga tao dahil sa kadamutan mong sabihin sa amin ang totoong pagkatao ni Xyren! Noong na-kidnap ang anak ko, hinahabol namin at ng mga pulis ang mga kumuha sa kanya kahit na sanggol palang siya. Napaputukan ang gulong ng mga kidnappers kaya huminto ang sasakyan nila. Pero yung sasakyan ninyo ang napagbuntungan ng mga kidnappers at sumakay sila sa loob noon."

Iyak lang ako nang iyak habang nasa tabi ko si Miyo. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang nangyari noon.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon