ILY-19: Nakakalasing

25.3K 552 135
                                    

Follow me on twitter: @imericacruzat
Add me on facebook: Crunchh WP

==

Hindi ko na alam kung nasaan sina kuya at Ella dahil pumasok na sila sa loob ng function hall. Hindi naman ako pumasok dahil mamaya pa daw kami ni Miyo pagkatapos magsalita ng host.

"Leche ka Miyo! Kinakabahan na ako! Bakit ba kasi ako ang ginawa mong date!" hindi ko na alam ang gagawin. Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Bwisit ka talaga Michael Yoson! Pasalamat ka birthday mo ngayon!

"Relax ka lang. Maganda ka naman kaya huwag kang mahiya. Basta pag naglakad na tayo ngingiti ka ha?"

"Maganda ka dyan! Para sabihin ko sayo hindi mawawala ang kaba ko dahil lang sa sinabi mo! Ugh! Pasalamat ka talaga birthday mo ngayon!"

"Basta ngumiti ka na lang. Bahala ka, madaming camera at video sa loob." sabi nya nang patawa tawa."At ayos ang dress mo  ha? Hindi ka nagmukhang payatot ngayon."

"Tss! Syempre si kuya ang pumili nito eh." biglang sumeryoso ang mukha nya.

May lumapit sa aming babae at sinabi na maghanda na daw kami para pumasok. Kinuha ni Miyo ang kamay ko at inilagay iyon sa kanyang braso.

"Don't forget to smile, Xyren."

"Ladies and gentleman, let's welcome our birthday celebrant Mr. Michael Yoson Silvestre with his date Ms. Xyren Fajardo!" napakapit ako nang mahigpit kay Miyo nang makita ang mga tao sa loob ng function hall. Hindi ko makita  sina kuya.

Sinalubong kami ng camera at walang sawang kinukuhanan ng picture. Lahat ng tao ay nakangiting nagpapalakpakan.

Ngumiti na lang ako ayon sa sinabi ni Miyo. Sabagay, ako naman ang mapapahiya kung pangit ako sa picture.

Tumigil kami sa gitna ng red carpet at kinuhanan na naman ng litrato.

"Saw that gray-haired guy over there?" mahinang sabi ni Miyo. "He's my father and that woman beside him is my mom. Pagdating natin sa kanila ay bumeso ka. Basta yung ginagawa nyong mga babae."

Nagsimula na kaming maglakad palapit sa kanyang mga magulang. What the eff Michael Yoson! You'll pay for this pagkatapos ng party mo!

"Happy birthday, son!" masaya siyang niyakap ng kanyang ama pati ng kanyang ina.

"This is Xyren.. my friend." natawa na lang ang kanyang ama.

"Kaibigan lang ba talaga?" sabay baling sa akin. "It's so nice to meet you hija." bumeso siya sa akin at ganun din ang ginawa ko sa kanyang ina. Grabe na talaga yung kaba ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkakaroon ng meaning ang pagiging date ko sa lalaking ito.

"You're a beautiful lady. Nakakamiss tuloy noong kabataan ko." natutuwang sabi ng mama nya.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now