ILY-29: Party

18.5K 391 124
                                    

Pinilit ako nang pinilit ni Miyo na sa hospital na lang daw muna ako. Sobrang na-guilty ako nang hindi ako nakapag-stay para samahan sya pero hindi kasi alam ni Warren na umalis ako. Hindi ko na naman sinabi sa kanya dahil ayokong mag-isip siya nang kung ano pa na pwede niyang ipagselos. Masakit din naman sa akin ang ginawa kong ito, yung feeling na iniwan mo yung kaibigan mo na mag-isa lang sa isang malaking kwarto ng hospital na kahit nurse ay walang nagbabantay. Siguro ay mamaya naman ay may makakasama na sya. Sana...

"Ano nga pala ang sasabihi mo?" tanong ko sa tahimik na si Ella nang nasa elevator na kami. Kanina pa siyang tahimik. Ngumiti lang siya kanina kay Miyo nang magpaalam kami.

"Wala. Hayaan mo na lang yun," sabi niya nang hindi tumitingin. Gusto ko sana siyang pilitin pero hindi naman kami close. Sigurado akong tungkol na naman ito kay Warren pero gusto ko pa rin marinig. Ano kaya kung ako yung unang magsalita sa amin? Gusto ko kasing ipaliwanag yung side ko about dun sa nangyari sa resort. Hindi naging maganda ang pagsasama namin doon. Medyo inis talaga ako sa kanya kasi lumalapit siya kay Warren pero hindi naman ibig sabihin noon ay ayaw ko na sa buong pagkatao niya. Ayaw ko lang talagang nilalandi niya si Warren.

"Ella... iyon palang sa resort--" 

"No, Xyren. Please. I don't want to talk about it!" Nagulat ako sa ginawa niya. Hingal na hingal pa siya na para bang kanina pang kinikimkim ang lahat ng ito.

"Ayokong marinig," naiiyak na dagdag niya. Gusto ko siyang hawakan pero bumukas na ang elevator at mabilis siyang lumabas. Napatigil siya nang nasa harapan na namin si Leo na nakapamulsa. Yumuko si Ella at nag-akman papunta sa kanan pero hinarangan ni Leo ang dadaanan niya. Pumunta naman siya sa kaliwa pero ganoon pa rin ang ginawa ni Leo. "Ano ba! Padaanin mo ako! Umalis ka, Leo!" nabasag na yung boses ni Ella. Nakita kong natigilan si Leo nang mag-angat ng tingin si Ella sa kanya.

Halos patakbo nang umalis si Ella at iniwan kaming dalawa. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari at ganoon na lang ang pagkasama ng loob niya ngayon.

"Anong nangyari?" seryosong tanong ni Leo. Nakatingin pa siya hanggang ngayon sa direksyon na pinuntahan ni Ella. Base sa nakita ko ngayon ay parang magkakilala talaga sila. Akala ko ay kilala lang ni Leo si Ella dahil alam niyang gusto iyon ni Miyo... dati. Pero ngayon, parang matagal na talaga silang magkakilala.

"Magkakilala pala talaga kayo?" Hindi niya pinansin ang tanong ko. Sa halip ay tumingin sa ibaba na para bang may iniisip.

"Alam kong may mali sa kanya. She's really hurt right now." Mabilis siyang tumingin sa akin. "Tell me, anong nangyari sa kanya?" I can see on his eyes that he's worried... so much. Para bang nagbago yung Leo na kilala ko ngayon. 

"Hindi ko alam. Kanina lang ay maayos naman kaming pumunta rito. Lumabas lang siya saglit dahil kakausapin nya raw yung driver niya pero pagkatapos noon ay bumalik na siyang walang imik." Nag-nod si Leo at nagpaalam na sa akin. Pupuntahan daw niya ulit ang pinsan niya. Hindi ko alam kung maayos ba o hindi ang pagpunta niya. Baka kasi sa halip na magbantay ay maghanap pa siya ng gulo. Huwag naman sana.

Nasa taxi na ako at pabalik sa school nang tumawag si Warren. Nagkaroon lang daw pala kanina ng emergency meeting sa department. Itinanong pa niya kung saan ako galing. Sinabi ko na lang na kumain ako sa labas kahit na hindi. Gutom na gutom pa naman ako ngayon. Napabuntong hininga na lang ako ngayon. Ano kaya ang problema ni Ella at iniwan nya ako? Hindi ko alam kung pupunta pa ba siya sa school o uuwi na. Wala siyang nabanggit sa akin.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now