ILY-10

25.9K 462 54
                                    

So heto na nga. Monday na naman.. Katulad ng dati, si Kuya yung naghatid sakin. Ang sungit na niya sakin. Dati naman hindi ganun. Siguro naiinis na siya sa ugali ko. Pero ano bang ginawa ko?

Baka may mga bagay akong hindi ko alam na mali pala sa paningin niya.. Syeeet. Hindi ko na alam ang gagawin. 

Naging maayos naman ang araw ko kasi hindi nagpapakita si Miyo. Sabi niya may sasabihin daw siya sakin pero hindi naman siya nagpapakita. Haay. Buti na lang.

Lumabas ako ng class room at nakita ko si Miyo na nakabulsa ang kamay habang naka lean sa dingding.

Tss. Hindi pa din talaga siya nag uuniform. May klase ba siya? Bakit parang hindi naman siya umaattend ng klase niya?

"Ang tagal mo naman lumabas.." sabi niya
"Kanina ka pa dyan?"
"Oo.. Tara, kumain tayo"
"Ha? Bakit naman ako sasama sayo?"
"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?" Hindi naman ako napaimik sa sinabi niya. Masyado siyang straight forward. Ewan ko ba sa taong ito. Bakit kaya sa dinami dami ng mapagtitripan nya eh ako pa?
"Teka nga muna. Naiihi na ako eh. Dyan ka lang ha.. Wag ka aalis" sabi niya sakin at saka pumasok sa restroom. Talagang sinabi pa niyang naiihi siya. Tss.

"Xyren.." sabi ng isa kong kaklaseng babae, si Rhea. Irregular lang siya kaya kaklase ko lang siya sa isang subject.
"Bakit?"
"Ano bang meron sa inyo ni Miyo at palagi mo siyang kasama?"
"Ha? Wala naman eh.."
"Sigurado ka ba?" inilapit niya yung mukha niya sakin. "Bakit parang may something sa inyo? Boyfriend mo ba siya?" Siningkitan niya ako ng mata.
"Nako.. Hindi ano.. Walang meron samin!"
"Siguraduhin mo lang ha. Naiinis kasi ako sayo kapag dumidikit ka kay Miyo."
"Pero hindi naman ako ang nadikit eh"
"So sinasabi mo bang ikaw pa ang nilalapitan niya ha?"
"Teka.. Galit ka ba sakin?"
"Hindi lang galit. Nabibwisit ako sa mukha mo. Nakakainis ka! Layuan mo na lang siya pwede?! Tagal ko ng gusto si Miyo tapos ikaw nakakasama mo siya? Hah, Kakaiba na talaga ang mundo"

"Ano yan ha?" dumating na si Miyo. Lokong yun. Nagsasara pa ng zipper ng pantalon niya. Hindi na lang ako nakaimik.
"Ahh wala.. kinausap ko lang itong si Xyren. May tinanong kasi ako sa kanya. Diba Xyren?" Tinaasan ako ni Rhea ng dalawang kilay.
"Ahh.. oo. May tinanong lang siya"

"Ahh. Kala ko kung ano na eh.. Oh tara kumain, payatot" Inakbayan naman ako ni Miyo. Agad ko iyong inalis.
"Miyo naman eh. Wag mo nga akong akbayan!"
"Xyren, pwede bang sumama sa inyo ni Miyo?" sabi ni Rhea. Tumabi siya kay Miyo. Nasa gitna si Miyo naming dalawa.
"Pwede naman"

"Hindi pwede" sabi ni Miyo.
"Diba may tinanong ka lang naman sa kanya. Oh, tapos na. Pwede ka ng umalis" Miyo
"Pasama na lang ako sa inyo. Please.."
"Teka.. Sino ka ba? Ayokong kasama ka.. Tara na nga Xyren. Nagugutom na ako" Hinila ni Miyo yung kamay ko. Grabe.. Napatingin ako sa likuran ko habang hinihila ako ni Miyo. Nakatingin si Rhea sakin at ang sama ng tingin niya! Gaaad! Ayoko ng kaaway. >0<

Pumunta kami ng cafeteria. Inilibre niya ako ng pagkain.

"Kumain ka ng madami, ha? Ayoko sa payat"

"Ayaw mo pala sa payat pero sinasamahan mo ako.. Ang labo mo naman"

"Syempre, iba kapag sayo..  Laging may exemption"

"Talaga lang ha?" sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Yap." Nakangiti siya. Himala ito.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now