ILY-03

29.1K 620 36
                                    

Follow me on twitter: @imericacruzat

Add me on facebook: Crunchh WP

==

Si kuya Warren na ata ang magiging driver ko tuwing umaga. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang dumating siya dito sa Pilipinas. At hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang first kiss ko. Darn, talagang mababaliw na talaga ako sa kanya.

"Ang pula mo. May sakit ka ba?" Tanong nya habang nagmamaneho. Palipat-lipat ang tingin nya sakin at sa unahan.

"Wala ah! Ganito lang talaga ako." Tumingin na lang ako sa bintana para hindi ko sya makita. Baka magmukha na talaga akong kamatis.

Buti na lang at unti-unti niyang nasasaulo ang mga daan dito sa Pilipinas. Noong unang beses na hinatid nya ako sa school ay tinuruan ko pa sya kung saan ang daan.

 

"Mag ingat ka dyan." Sabi nya nang nasa harap na kami ng school.

"Okay."

Natapos naman ang klase nang maayos. Nasa second floor ako ng building namin kaya mabilis bumaba. Wala naman ako malimit kasama sa school. Ayoko ng kasama eh. Mas gusto ko mag isa. Okay na ako na nakakausap ko lahat ng kaklase ko.

Pagkababa ko ng hagdan, bigla na lang akong bumagsak dahil may lalaking bumagsak sa likod ko. Ang sakit!

"Aaahhh! Aray!" Ang sakit ng paa ko dahil nagkamali ng bagsak. Masakit din ang likod ko dahil ang bigat ng lalaki.

"Ang gago!" Tumayo ang lalaking naka itim na damit at hindi man lang nag-abalang lumingon sakin para tanungin kung nasaktan ako. Sinugod nya ang isang lalaki at agad inambangan ng suntok.

"Gago ka! Wala kang kwenta kalaban. Tulakan ba gusto mo ha?!" Pinagsusuntok na nya yung lalaki.

 

Nakakaaawa na nga yung itsura niya. At ang pinaka nakakatakot na ginawa ng lalaking naka itim ay..

"Wag.. wag mo ako itulak!" Nagmamakaawa na yung lalaking hawak nya.

"Gago ka! Eh ako nga tinulak mo nang walang kamalay malay! Hayop! Tulakan pala gusto mo ha!" sa halip na tulak, sinipa nya yung lalaki kaya nahulog ito sa hagdan.

Ang daming estudyante ang nanunuod. Nakakahiya! Gusto ko tumayo pero hindi ko na kaya lumakad. Paano na ako ngayon?

"Tsss. wala ka naman palang binatbat." Sabi ni Mr. Black shirt dun sa binugbog niya. Lalampasan na sana niya ako pero hinawakan ko ang paa niya.

"WHAT?!" Inis na tanong nya sakin.

"Hello? Ako yung natumbahan mo kanina? A little help here?"

"Tss." Naglakad na siya palayo.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now