ILY-15: LEO

22.2K 451 30
                                    

Author's note:

Mobile phone na ginagamit ko kapag gumagawa ako ng update. Kung mapapansin nyo, hindi na ganun kadami ang spaces diba? Wala lang , gusto ko lang i-share kasi baka manibago kayo. I think mas okay naman ang ganito kasi kalimitan mga mobile readers ang nagbabasa nito.
==

"Damn you! Bakit mo sinaktan ang kuya ko!!" Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko sa sobrang galit. Gusto kong manakit ng tao. Hindi ako war freak at lalong hindi ko kaya manakit pero iba ngayon. Sinaktan niya ang taong mahal ko. At siguro kahit sinong taong malapit sa akin ay ipagtatanggol ko kapag sinaktan sila. "Bitawan mo nga ako! Aaahh!" Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng lalaki pero nagawa ko siyang sikuhin sa pagwawala ko.

"Aray!" nagawa kong makawala sa hawak nya kaya tumakbo na agad ako dun sa Leo.

"Walang hiya ka!" buong lakas ko siyang sinapak kaya napahawak siya sa kanyang mukha.

"Ikaw na babae ka! Pasalamat ka maganda ka!" sigaw ni Leo sakin.

"And you have the guts to shout on her?!" sigaw ni kuya Warren kaya napatingin kami sa kanya. "Kanina pa ako nagtitimpi sayo. You are nothing kung wala ka namang mga kasama. You're not strong enough to fight against me." sabay ngisi nito. Nagulat ako nang buong pwersa siyang kumawala sa dalawang taong humahawak sa kanya. Ang cold ng itsura nya. Ngayon ko lang nakita si kuya na ganito. Nakakatakot ang exression na ipinapakita niya.

Hinawakan niya ang mukha niya. "It's been a long time that I haven't use my fist." hahawakan na sana ulit siya ng mga lalaki pero pinigilan sila ni Leo.

"Huwag nyo syang hahawakan. Ako na ang bahala sa kanya." Leo said then smirked.

"How about we make a deal? If you can win against me then you two can go home safe. But if you lose.." tumingin siya sakin. "I'll have your sister. She'll be mine."

Tumaas talaga yung dugo ko. Mas lalo akong nagalit sa kanya.

"Anong tingin mo sakin bagay na pinagpupustahan lang?!" sigaw ko.

"Tigilan mo ang kalokohang ito. You have no right to make Xyren as a reward on your stupid bet.." Cold pa din si kuya sa kausap. "because Xyren is priceless."

Narinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.. Parang sa sinabi niya anytime soon pwede na ako mawala sa mundong ito.

Napatigil lang ako sa kakiligan nang makita si Leo na tumakbo palapit kay kuya. Kinakabahan ako.. baka kung anong mangyari sa kanya.

"Ano na namang kalokohan ito, Leo?" with black leather jacket and skinny jeans, Miyo apeared. His both hands are on his pocket and walking towards us. Leo stopped.

"Anong ginagawa mo dito?" Leo.

"Masama bang pumunta sa sarili kong mall?" sagot ni Miyo na ikinabigla ko. Shemay! Kanila ang mall na ito?!

"Tss."

"Oh, hi kuya ni payatot!" nakangiting bati ni Miyo kay kuya pero hindi naman siya tumugon. Para bang wala sa sarili si kuya. Hanggang ngayon masama pa din ang tingin niya kay Leo. Napahawak siya sa noo niya at yumuko. Para bang kinokontrol niya ang sarili niya na huwag manakit ng tao.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now