ILY-21: What if

21.2K 466 106
                                    

See you sa GOLD RISING Event sa November 30, 2013. Sa 5th floor function A and B. 10 to 8 PM! Watch out for our production number. Wahahah! 

First release ng MY CASANOVA HUSBAND. P175 pesos only. Kapag sa event kayo bumili 140 pesos na lang. See you there! ^___^

==

Padabog kong ibinaba ang baso sa lamesa matapos kong uminom. Nakakainis ang ingay nila sa living room. Tuwang-tuwa si mommy nang ipakilala ni Warren kanina si Ella sa kanya. Psh! Akala mo naman kung ano na, kaibigan lang naman. Teka, kaibigan lang nga ba talaga?!

"Ang ganda mo talaga, hija. Kaya pala ganyan amg mata mo kasi half chinese ka. Sino ba ang chinese sa inyo? Yung mom or dad mo?"

"Yung mom ko po. Filipino naman si dad. Ipapakilala ko kayo sa kanila next time, tita. Baka magkasundo kayo sa business. Meron din po kaming restaurant but it is based on Cebu." Narinig kong sabi ni Ella habang tumatawa. Nasa kitchen kasi ako at nakikinig lang sa kanila.

"Oh, sige. Gusto ko yan, hija." Patawa-tawang sabi ni mommy. "Warren, may balak ka bang manligaw kay Ella? Napakagandang bata nito ha? I think you two look great."

Naikuyom ko ang kamao ko. Parang biglang tumahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko narinig na sumagot si Warren. Sa halip ay may natangggap akong text mula kay Miyo na nasa labas na raw sya.

Mabilis at padabog akong naglakad papuntasalabas.

"Xyren, san ka pupunta?" Tanong ni mommy.

"Nasa labas na si Miyo!" Sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya. Ewan ko ba pero naiinis ako ngayon. As in!

"Dahan-dahan. Balak mo ba sirain ang gate nyo?" Natatawang sabi ni Miyo unang bungad ko pa lang sa kanya. Ano bang meron sa mga tao ngayon? Bakit parang ang saya nila? O ako lang itong bukod tanging wala sa mood?!

"Pumasok ka na nga sa loob!"

"Meron ka ba? Init ng ulo mo ha?"

"Psh!"

Naka crossed arms akong naglakad pabalik sa bahay. Kasunod ko naman si Miyo.

"Oh, nandito na pala ang kaibigan ni Xyren. Pasok ka dito, hijo."

"Salamat po."

"Halika. Upo ka." Tumayo si mama at si Miyo ang pinaupo nya sa inuupuan nya kanina. Kukuha raw muna siya nang maiinom para kay Miyo.

"Hi Miyo! Kamusta na?" Nakangiting tanong ni Ella kay Miyo.

"Ayos naman."

"Your party was great. Nakita mo na ba yung online news about sa party mo?"

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now