ILY-31: I want to know

15.2K 439 120
                                    

I'm done with life. Me being alive just causes trouble to the people around me. Ako yung mas nasasaktan kapag nakikita silang nahihirapan nang dahil sa akin. I want to end this pero bakit hindi ako hinayaan ng Diyos na mamatay? Ayaw ko nang mabuhay para makita ang paghihirap nilang lahat. Aaminin kong masasaktan talaga ako kapag napahiwalay kay Warren pero mas hindi ko yata kaya kung makikita ko ang pagiging miserable niya.

Kapag nawala na ako, pwede ulit silang mamuhay ni Mommy nang maayos. Dapat ito na yung magiging time para sa kanila dahil matagal din silang nagkahiwalay. Isinakripisyo ni Mommy ang isa niyang anak para lang huwag matuloy ang sa kung ano man na nakikita niyang pwedeng mamuong pag-iibigan sa amin ni Warren noon, na ngayon ay hindi niya inaakala na mangyayari pa rin ang kinatatakutan nya.

Naiiyak akong makita ang taong nakahiga sa halos katabi kong kama. Malabo ang paningin ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga nurse na nakapaligid sa amin pero alam ko kung sino ang taong iyon. Siguradong sigurado na ako na siya yung lalaking nagpapatibok ng puso ko ng sobrang lakas. Siya yung lalaking nagbibigay saya sakin. Lumandas ang kanina pang nagbabadyang luha sa aking mata nang makita siyang ngumiti pero halata sa mukha niya ang pag-aalala. May mga nakakabit na bagay sa kanya. Saka ko na-realize na ibinibigay niya ang kanyang dugo sa akin.

Gusto kong magwala. Gusto kong tumakbo palayo dahil ayokong sagipin nangkahit na sino lalong-lalo na niya. Pero kahit anong gusto ko ay wala akong lakas. Napakahina ng aking katawan.

"Sai... hold on. Please hold on," sabi ni Warren. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa hold on. Kung hold on ba na kailangan kong mabuhay o hold on na huwag ko siyang bitawan. Bakas pa rin sa mukha ko ang luha pero unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Patuloy ako sa panghihina. 

"Nurse! Nurse, do something! Akala ko ba magiging maayos ang lahat pero bakit siya ganyan? Sai! Xyren, wake up! Wake up!" Naririnig ko ang pagwawala niya.

"Sir, huwag po kayong malikot baka--" Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nang magising ako ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang sina Mommy, Miyo at Leo. Ang hindi ko inaasahan ay nandito rin pala sa loob ng hospital si Ella. Iginala ko pa ang tingin sa loob ng kwartong ito pero wala si Warren.

"Xyren! Xyren, baby," hagulgol ni Mommy nang makita ako. Pinalibutan nila ako at nagtama ang mga tingin namin ni Miyo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hinihingal pa siya nang makita ang kalagayan ko saka umalis ng kwarto. Tinawag siya ni Ella pero pinigilan ito ni Leo at saka umiling.

"Mommy..." wika ko kaya mas lalong lumakas ang iyak ni Mommy. "I am sorry." Alam ko naman na mahina ako. Alam kong sasabihin nila na hindi solusyon ang pagpapakamatay pero ayoko na talaga. Sawa na akong mabuhay. Kaya wala akong kaibigan ay dahil na inilalayo ko ang sarili ko sa mga pwedeng makasakit sa akin. Ayaw ko na magka problema sa kanila. Ayaw kong maramdaman na masaktan at ayaw ko rin na makasakit pero bakit kung ano pa yung iniiwasan ko ay iyon pa rin ang nangyayari?

"Please... please, Xyren. Never do that again. Please. Tinakot mo ako. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo." Ang tagal din namin ni Mommy na ganito. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Kaya nga mas gusto kong mamatay para hindi na sila mahirapan pero nang dahil sa nabuhay pa ako ay mas nadagdagan ko lang ang sakit na nararamdaman nila.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now