ILY-25: Joke

19.7K 396 36
                                    

Nang makita ko siya ay agad akong napatayo sa gulat. Bakit siya nandito? Hindi kaya sinundan niya kami para bumawi? Hindi naging maganda ang unang pagkikita namin sa mall. Hindi ko naman sinasadya na tamaan siya ng bola kaya nagkainitan tuloy sila ni Warren. Buti na lang at dumating noon si Miyo.

"A-anong ginagawa mo rito?" Napaurong nang lumapit pa siya sa akin. Ngumisi naman siya at nagkamot ng ulo habang tinitingnan ang paligid.

"Bakit nga ba ako nandito? Hmmm... I don't know." Nagkibit balikat siya.

"Leo, huwag ka ritong gumawa ng gulo." Nagkukunwari pa akong matapang pero ang totoo ay natatakot ako sa kanya. Naalala kong sabi ni Miyo na hindi raw marunong lumaban ng patas ang pinsan nya.

"Wow! Akalain mong natatandaan mo ang pangalan ko pero hindi naman tayo nagpakilala sa isa't isa nang pormal," natatawang wika niya.

"Kung wala ka naman na sasabihin ay mabuti pang umalis na ako." NIlampasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Ngumisi na naman siya.

"I don't like it when people walk away from me," nakangising sabi niya pero bigla na lang siyang nagseryoso. "Nagkukunwari ka pang matapang, Xyren." I looked away. "Narinig ko ang pinag-usapan nyo ni Nathalia kanina." Nagulat ako na kilala niya si Ella pero naisip ko na baka alam niya dahil ni Miyo. 

"Nakakatawang isipin na mas napapansin pa ng mga taong hindi naman malapit sayo ang problema mo kaysa sa mga taong nasa paligid mo lang." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig ang sabihin alam nya rin ang tungkol sa amin ni Warren? "Hindi naman ako matalino eh pero bakit kayang kaya kong basahin na may gusto ka sa kapatid mo?" Tinawanan niya ako nang nakakaloko.

Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Ano bang pakialam mo?! Bakit ba pinapakialaman mo ang buhay ko ha?! Pumunta ka lang dito para lang inisin ako ha? Sino ka ba sa inaakala mo?! Kung sawa ka na sa buhay mo, huwag mo akong idamay!"

Patawa-tawa niya akong sinagot, "Siguro nga pumunta ako rito kasi nandito yung FUN eh. Ang sarap lang panuorin ng mga galaw nyo sa malayo. Nakakatawa kayong lahat. Gustong-gusto ko na nga minsan pumasok sa eksena eh." Mas lalo lang akong nanggigil sa kanya. Ngayon ay nalaman ko na pinagmamasdan nya pala kami sa malayo.

"Dati mas gusto kong makipag kumpitensya at makipaglaban sa iba lalo na kay Miyo pero ngayon... I think I like following you. May kung ano sayo na hindi ko maipaliwanag." Tumalikod sya sakin at naglakad palayo. "Siguro papanuorin ko na lang muna kayo sa malayo. Enjoy eh. Incest... incest... incest."

Hindi pa siya nakakalayo ay may dalawang lalaking humawak sa baywang ko.

"Uy, sexy! Mag-isa ka lang?"

"Makinis pa."

"Ahh! Ano ba!" Sumigaw ako kaya muling tumingin sa akin si Leo. "Ahh! Manyak!" Hinawakan na naman ako ng isang lalaki sa baywang. Lumakad ako palayo pero hinarangan nila ako.

"Tara, sumama ka na lang--" Hindi pa natatapos ang sasabihin nang lalaki nang tumumba ito sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Leo. Tumingin siya sakin at umiling. 

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now