ILY-02

30.5K 668 65
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Pambihira naman kasi eh! Hindi matanggal sa isipan ko yung nangyari kanina. Shocks! Iyon ang first kiss ko!

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Aaaaahh! Stop! Stop! Stop!

Mas lalo akong hindi makatulog dahil naririnig ko na sa sobrang lakas ang tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang aking labi. Aaahhhh! Shemay! Gumulong-gulong ako sa kama. Kinikilig ba ako? Ahhh! Kainis! Gusto ko lang naman si Kuya ah? Pero nung hinawakan nya ang kamay ko sa party, nainlove na talaga ako.

Ang sama ko! Mali ito! I need to stop this feeling dahil nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Sa dami ng tao na pwede kong magustuhan, bakit yung kapatid ko pa?

Pero hindi mo mapipigilan ang puso 'di ba? Naisip ko tuloy, ako lang ba ang ganito? Siguro naman may katulad kong ganito rin ang sitwasyon 'di ba? Kahit isa o dalwa man lang sa buong mundo. Imposibleng ako lang talaga ang may ganitong sitwasyon. As in imposible!

Bumaba muna ako. Madilim pa rin ang paligid pero alam kong maya-maya lang ay pasikat na ang araw. Siguradong maitim na naman ang ilalim ng mga mata ko.

Binuksan ko ang ilaw at saka pumunta sa ref upang kumuha ng tubig.

“Aaaaaah!” Nagulat ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko pagtalikod ko sa ref. Halos lumundag na yung puso ko palabas ng katawan ko. Buti na lang talaga at agad kong nakilala si Kuya. Napahawak ako sa dibdib at nakahinga nang maluwag. Tsk.

Si Kuya talaga...

Si Kuya...

Si Kuya..

Si Kuya..

Nanlaki ang mga mata ko nang mag process na talaga sa utak ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Heto na naman itong puso ko. Naghuhuramentado na sa loob ng aking dibdib. Waaaah! Stupid heart! Why beat fast?!

“Sai,” tawag niya.

“Mukhang maayos na ikaw ah? M-mabuti naman!” Nakita ko rin kasi na nagpalit na siya ng damit. Siguro nagising din siya ngayon at nag-ayos ng kanyang sarili.

“Yes. I'm fine now. Ah, Sai...”

“B-bakit? Antok na kasi talaga ako eh. Punta na ako sa taas ha? S-sige, babush!” sabi ko pero pinigilan niya ako at seryosong tumingin sakin.

Lasing naman siya kanina 'di ba? Hindi nya naman siguro matatandaan ang nangyari. Sana nga. Sana hindi nya maalala. Kinakabahan ako sa maaari nyang sabihin.

“Sai, sorry.” Napalagok ako ng laway. “About what happened earlier.” Oh shitzu! Natatandaan nya!

Kung marunong lang sana ako mag teleport ay ginawa ko na para makawala sa sitwasyong ito. Nakakahiya!

“Ha?!” Napasigaw ako sa sobrang pagpa-panic. Tinakpan nya ang bibig ko.

“Huwag ka naman maingay! Tsk. Basta sorry! Alam mo na yun!” sabi niya sabay akyat pataas.

Nauna pa siyang umakyat kaysa sakin. Tsk. Dapat ako yun eh.

Monday...

“Bangon na, Sai.” Sino ba yun? Tsk. Nakakainis naman. Inaantok pa ako.

“Xyren Fajardo.”

“Mmmm...”

“Pambihira. Magagalit si Mommy sakin kapag hindi kita nagising. Grabe, ang hirap mo pala gisingin!”

“Mmmm...”

“Wake up, sleepy head.”

“Mmmm...”

“Ayaw mo bumangon ha? Teka...”

“Aray! Ano ba yun?! Ang sakit!” May humampas ng ulo ko gamit yung unan. Sobrang lakas ng hampas kaya feeling ko nakalog utak ko. Ugh! Nagkamot pa ako ng ulo habang nakatingin sa taong nakangisi sa harap ko. Darn it, ang gwapo.

“Bakit mo naman ginawa yun?! Ang sakit ha?”

“Grabe ang itsura mo ngayon. Mukhang bird's nest yung buhok mo,” patawa-tawang sabi nya kaya hinampas ko sya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay.

“Alis ka na nga! Liligo pa ako!”

“Just be thankful na ako na ang magiging taga-gising mo tuing umaga. Sa gwapo ko ba namang ito? Ang ganda pagmasdan sa umaga 'di ba?” Sinamaan ko sya ng tingin pero nag-pogi sign lang sya.

“Yabang mo! Layas!”

“Yeah... yeah. Just be fast. Male-late ka na. Ihahatid pa kita.”

“Ikaw ang maghahatid sakin?” hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit hindi si Mommy? Pinakita nya lang sakin yung susi ng sasakyan namin.

Naligo na ako. Feel na feel ko talaga maligo. Tuwing naliligo ako ay kumakanta pa ako sa loob ng banyo. Ang galing kasi, feeling ko sobrang ganda ng boses ko kapag nandito. Tapos nag e-echo pa.

“Hey, I just met you. And this is crazy. But here's my number.. .So call me maybe~”

Ang ganda-ganda ng pagkanta ko tapos bigla na lang may kakatok sa cr.

“Napapasarap ka ata sa pagligo, malapit ka na ma-late! Quarter to eight na.”

“O. Malapit na.”

Binilisan ko na ang pagligo at baka mabinggo pa ako ng kapatid ko. Psh! Palibhasa tapos na siya mag-aral. Lumabas na ako ng cr na nakatapis lang ng tuwalya. May maliit rin na tuwalya sa buhok ko.

“Maybe it's wrong to say please love me too. 'Cause I know you'll never do~” Pakanta kanta ulit ako habang inaabot yung susuotin kong damit. Nanlaki ang dalawa kong mata at nabitawan ang uniform ko nang makita si Kuya na nakatingin din sa aking nanlalaki ang mata at hindi makagalaw-galaw.

“Kuya naman! Sa labas ka na kasi maghintay!” Hindi magkaintindihan siyang lumabas. Patakbo pa nga at saka isinara yung pinto ng malakas. Nakakahiya na naman! Nakita nya akong ganito!



Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now