ILY-28: Ready

19.2K 380 40
                                    

Noong isang araw ay may ipinagawa ang isa sa mga professors namin ng plate na kailangan i-submit bukas kaya pagkarating ko sa bahay ay iyon muna ang inatupag ko. Last meeting namin sa kanya ay gumuhit ako ng mga corners ng bahay kaya ngayon naman ay ipinapalagay nya sa amin ng design ang mga corners na iyon. Madali lang kaya sigurado akong matatapos ko agad. Mas mahirap pa yung project ko noon na gumawa ako ng design ng dream house ko. 

Nakaupo ako rito sa pwesto ko sa may study table at abala sa ginagawa nang may lalaking yumakap sa akin mula sa likuran. Napangiti ako sa yakap nya. Talagang nakakabaliw yung amoy nya kaya naibaba kko tuloy ang hawak kong lapis at tumingin sa kanya.

Nakayuko siya habang yakap ako. Ako naman ay nakaupo sa silya at hinawakan ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa akin.

"Tama na yan, I'm bored," sabi niyang inilalapit ang bibig sa may tenga ko kaya nakikiliti ako. Medyo inilayo ko ang ulo ko.

"Malapit na akong matapos. I need it tomorrow kundi malalagot ako sa professor ko." Hinawakan ko na yung lapis para bumalik sa pagguhit pero inalis niya iyon sa kamay ko kaya humarap na naman ako sa kanya.

"If you want, I can talk to her. Sasabihin ko sa kanya na sa ibang araw ka na magsu-submit."

"So gagamitin mo ang pagiging charming mo, ganon ba? Para sabihin ko sayo Mr. Warren Fajardo, matanda at may asawa na iyon! Naku, ikaw talaga. Siguro gawain mo talaga ang mang-akit ng mga babae."

"Aaminin ko na nagkaroon ako ng mga babae sa Canada. But I never had a relationships with them. Never..." Hindi ako nakaimik. Nagseselos din kasi ako sa ideya na may mga babae siyang naka-date. Kahit sabihin na natin na wala silang naging relasyon ng mga yun, alam kong lumapat na ang labi ni Warren sa mga babaeng iyon lalo na at masyadong liberated ang mga tao roon.

Nakagat ko ang labi ko sa mga naiisip ko.

"Huwag mo nang isipin ang bagay na 'yon, Sai..." Itinayo niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Dahil kahit sa dinami-rami ng mga babaeng nakasama ko noon sa ibang bansa, walang laman ang puso at isip ko kundi ikaw. I thought it was only puppy love when we were still kids... Pero kahit ngayong malaki na ako, ikaw pa rin." 

Niyakap niya ako. Yung mahigpit na yakap na para bang ayaw na talaga niya akong pakawalan. Gustong-gusto ko ang mga yakap niya. Pakiramdam ko kasi wala kaming problema kapag nasa ganito kaming sitwasyon. Gumagaan yung loob ko.

"Gustong-gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. I want them to know how I am deeply in love with you. Gustong-gusto ko, Sai. Pero kahit hindi pwede, kakayanin ko dahil kasama ka."

Napangiti ako sa sinabi nya, "Gusto ko rin... But we can't."

"Okay lang. Para na naman tayong mag-asawa eh. Pareho tayong Fajardo." Sinapak ko sya. Nagtawanan lang kami at nagkulitan hanggang sa narinig na namin ang pinto sa ibaba. Dumating na ata si Mommy.

Pareho na kaming bumaba para salubungin si Mommy. Humalik pa ako sa pisngi nya at masayang kinuha ang mga gamit nya para hindi siya mahirapan.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon