ILY-36: Papers

15.8K 429 59
                                    

Nagising ako at agad na nahagip ng mata ko ang pagkain na nakalagay sa side table. Wala si Warren sa tabi ko. Binuksan ko yung nasa tray at bumungad sa akin ang masarap na breakfast. Nalawayan ko ang labi ko sa pagkatakam. Akin kaya ito? Gutom na gutom na kasi ako. Ngayon ko naramdaman ang ang pagwawala ng tiyan ko dahil sa hindi ako kumain kagabi.

"Good morning, baby. It's yours. Kumain ka na."

Bungad sa akin ni Warren na walang suot na pang-itaas. Napakagat ako ng labi nang tumama ang paningin ko sa kanyang abs na basa pa dahil ng tubig. Kitang-kita ko ang paglandas ng mga butil ng tubig mula leeg nya hanggang sa nakakapanindig balahibo niyang abs. Oh slap me! Gusto kong alisin ang mga titig ko pero bakit parang may magnet? Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang hubad! 

Pakiramdam ko ay natanggal ang gutom ko. In an instant, nabusog ako. Humalakhak si Warren at lumapit sa akin. Natanggal lang ang titig ko sa nakakakilabot niyang abs nang humalakhak siya at ginulo ang buhok ko.

"Kumain ka na. After that, take a shower dahil aalis tayo." Nakatapis lang ng tuwalya ang kanyang ibaba kaya hindi ako makapag-concentrate. Nag-nod na lang ako at kumain.

Maaga pala siyang nagising kanina. Ibinili niya ako ng damit sa malapit na botique dito sa hotel. Uminit ang pisngi ko nang ibinili nya rin ako ng bra at under wear. Hindi ako makapaniwala na nagawa nyang bumili nun! Paano nya kaya nalaman ang size ko?

Binuksan ko ang cellphone ko sa loob ng cr at binasa ang napakadaming texts nina Mommy, Miyo at Tita Yolly. Nag-aalala na sila sakin at kay Warren.

From: Mommy

Sweetie, where are you? I need an update.

From: Unknown number

I am worried. I hope makabalik na kayo agad. - Mama

From: Miyo

Hey! Kailangan ko na ba tumawag ng pulis? Mag-update ka! Huwag mo patayin ang cellphone mo!

Nagulat ako nang may isang naligaw na text message si Leo sa akin. Na-cuirious ako kaya mas nauna ko pang basahin iyon kaysa sa ibang text nina Miyo sakin.

From: Leo

Happy Honeymoon!

Darn him! Ang sarap niyang sapakin sa mga oras na ito! So he's thinking na may nangyayari sa amin ni Warren ngayon? He is really a jerk! Kahit na galit ako kay Ella ay sana huwag nya munang patawarin si Leo. He should learn his lesson and stop being an asshole!

Hindi ko na nagawang basahin pa ang ilang texts na natitira dahil kinatok na ako ni Warren. Pagkalabas ko ay bihis na sya habang nakatingin sa bintana. Napatingin na rin ako sa tinitingnan niya. Namula ako sa inis at sinapak siya.

"I hate you! Looking at girls when I'm not around!" Hindi ko alam na katapat pala ng swimming pool ang nakuha namin na kwarto. Nakita ko ang i ba't ibang magagandang babae na nakasuot lang ng two piece habang masayang lumalangoy at ang iba naman ay nakabilad sa araw.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now