ILY:27- I have decided

19.3K 397 63
                                    

Ngumisi si Warren kay Miyo at saka ako inakbayan.

"Alam ko naman na school mo ito pero hindi pa naman sayo talaga nakapangalan." Tumingin sa akin si Warren at saka ngumiti na para bang wala siyang pakialam kung nandito si Miyo. "Saan mo gustong kumain? We can go outside kung ayaw mo sa cafeteria."

Hindi ako makatingin ng diretso kay Miyo dahil nahihiya ako. Alam kong ayaw niyang kunsintihin ko pa itong nararamdaman ko pero wala akong nagagawa. Gusto kong lumayo si Warren pero pinapatay din naman ako ng ideya na iyon.

"Xyren," hinawakan ni Miyo ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niya saka tumingin sa mukha niyang nagsasabi na huwag akong sumama sa kapatid ko. Tumingin naman ako kay Warren na hinigpitan ang hawak sa balikat ko.

"Lets go, Sai." Seryosong tumingin si Warren kay Miyo. "Let go of her hand." May pagbabanta na sa tono ng boses niya.

Bumuntong hininga ako. Sa tingin ko ay kay Miyo ako dapat sumama. Hindi ako dapat nagpapaapekto porke't nandito at lagi kong nakikita si Warren sa school. Kailangan ko pa rin isipin na mali ang ginagawa namin.

"Warren..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may epal na dumating.

"Warren! There you are! I've been looking for you." Tumabi si Ella kay Warren na ngiting-ngiti. Halatang pinaghandaan pa niya ang pagpunta nya rito dahil naka-make-up pa siya pero bagay naman sa kanya.

"Nath..." Nang dahil sa nandito yung Nathalia Ella Gregorio na yun eh tinanggal ni Warren yung kamay niya sa balikat ko. Napakunot talaga ako ng noo sa ginawa niya. Kay Miyo ako sasama ngayon at hindi kay Warren pero bakit naiinis ako?!

"Lunch tayo?" tanong ni Ella na halatang nagpapa-cute pa.

"Hindi ako pwede eh."

Sumimangot si Ella pero ngumiti ulit, "Sure ka ba? My treat!"

Feeling ko talaga ay pulang-pula na ako sa sobrang inis. Siya pa talaga yung lumapit para magyaya ng lunch kay Warren. Kung alam nya lang, ako ang gusto niyang kasabay! Nag-crossed arms ako at padabog na humarap kay Miyo.

"Sorry Miyo ha? Magla-lunch kami ng kapatid ko. Lets go, Warren?" At syempre, hayan na naman siya sa ngiti niya. Alam kong maganda ang ngiti mo pero huwag ngayon dahil baka kung ano ang magawa ko dyan kay Ella. Naiinis ako! I want her gone! Minsan iniisip ko na tamang magkasama at magkalapit sila ni Warren pero iniisip ko rin na hindi ko iyon gusto. Sobrang naguguluhan na ako! Pero sa nangyari ngayon ay parang alam ko na kung ano ang nangingibabaw, I don't like Warren being with Ella. I don't want him being with other girls.

I am so freakin' jealous!

"Lets go," masayang sabi ni Warren. "Nath, next time na lang ha?"

"Hindi ba pwedeng sumama na lang ako?" Tumingin si Ella kay Miyo. "Ah! Kami pala ni Miyo! We'll join you. Kawawa naman kasi ako, wala akong kasabay ngayon." Nagpaawa pa si Ella.

Iimik sana si Warren pero ako na yung nagsalita. "No." Matigas na sabi ko. "Gusto ko kaming dalawa lang. May mahalaga kasi kaming pag-uusapan." Nguumiti ako sa kanila. Nakita ko na lang na umiiling si Miyo sakin pero ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now