ILY-24: Just a sister

19.2K 372 29
  • Dedicated kay Rachelle Cabatu
                                    

If you want to join our GROUP on faceook please message me on my facebook account or here in Wattpad.  

You can also add Warren Fajardo on FB. https://www.facebook.com/warren.fajardo.1656

Walang account si Miyo at Xyren. SI WARREN LANG.

My twitter: www.twitter.com/imericacruzat

==

Kanina pang masayang nagkukwentuhan ang mga pinsan ko at sina Mommy dito sa cottage. Wala akong ganang kumain sa nangyari ngayon lalo at katabi ko pa si Miyo na tahimik din. Napasulyap ako kay Warren pero nagulat ako nang makita siyang seryosong nakatingin sa akin.

"Tss. Kumain ka nga," sabi ni Miyo na inibo ang plato ko. Naagaw niya ang pansin ng mga pinsan ko.

"Uy, kanina pa kayong walang imik na dalawa ha?" sabi ni Fred.

"Naku, may lover's quarrel lang yan," sabi naman ni Cholo na agad na binatukan ni Kate sabay pinandilatan ng mata.

"Lover's Quarrel?" tanong ni Mommy. Patingin tingin pa si Mommy sa amin ni Miyo. "Xyren, may hindi ka ba sinasabi sa akin anak?"

"W-wala po." Akala ko ay galit siya kaya napatungo ako pero hinawakan niya ako sa balikat at hinaplos ito.

"Wow! Dalaga na talaga ang anak ko." Nagtaas ako ng tingin sa kanya pero ibinaling niya ang kanyang ulo sa katabi ko. "I can see you're a good person. Walang problema sa akin kung nililigawan mo na ang anak ko. But you should know your limitations, okay?"

Akmang iimik na ako para sabihin na nagkakamali sila nang iniisip sa amin ngunit mabilis ang naging pagsagot ni Miyo.

"Yes, tita Grace." Ngumiti si Mommy at si Tita Lordes.

"You too, Warren," sabi ni Mommy kay Warren na hindi man lang tumitingin. He clenched his fist pero mukhang walang nakapansin noon. No, mali pala ako. Nakita iyon ni Ella pero ipinagsawalang bahala na lang at saka humilig sa kanya.

"Warren, you're not eating." Nagulat ang lahat nang tumayo siya.

"I don't feel good. I'll just take a nap," sabi ni Warren saka umalis. Alam ko naman na masama ang loob niya pero wala naman akong magagawa. Hindi ko naman masabi na nagkakamali sila nang iniisip sa amin ni Miyo dahil itatanong lang nila ang totoong dahilan kung bakit ako umiiyak kanina.

"Kanina hindi maganda ang pakiramdam ni Xyren, ngayon si Warren naman. Ano ba naman ang nangyayari sa inyong magkapatid? Tita nagva-vitamins ba ang dalawang yan?" Pagbibiro ni Bea.

Tumawa na lang si Mommy at si Tita Lordes saka pailing-iling na lumayo sa amin dahil may iba pa silang inaasikaso na gamit.

"Kumain ka na, Xyren. Baka mahalata ka lang nila," bulong ni Miyo. Umiling ako at saka naglakad na lang palayo. Hindi ko na kaya. Ano ba naman itong nangyayari? Hindi naman ako dapat nasasaktan eh. Iyon ang dapat pero hindi. Sobrang sakit. Ang hirap isipin na niloloko ko sina Mommy at ang mga pinsan ko. Hindi ko gustong paniwalain sila na may namamagitan sa amin ni MIyo pero iyon ang kailangan ngayon. Ngayon ko lang na-realize na tama ang mga ginagawa ni Miyo.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon