ILY-04

28.6K 670 111
                                    

“Xyren, sweetie.” Nagising akong hinahaplos ni Mommy ang aking buhok. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hinalikan niya ako sa ulo kaya napangiti ako. 

“I'll be gone for a month. Kailangan ko ayusin ang negosyo natin sa Davao. Be a good girl, okay?”

“Mom... I'm a lady now. Remember I just turned 18.” saka ulit ako nagbigay ng ngiti.

“Bye hija. Kayo na muna ng Kuya mo ang bahala sa bahay. Hay, ang hirap ng walang kapartner sa buhay dahil maagang nawala ang Daddy nyo. Mag-asawa na kaya ulit ako?” biro niya sakin saka tumawa.

“Of course you're not allowed!” Ngumuso ako.

“Haha! I know. I know. I'm just kidding. Oh sya, I need to go. I love you, sweet heart.” 

“I love you too, Mommy.”

Kanina pang umalis si Mommy pero hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ako sa kama ko. Napatingin ako sa sliding window at nakita kong gabi na. Tinatamad akong bumangon pero kailangan dahil sa gutom. May iniwan kayang pagkain si Mommy bago siya umalis?

Pumunta na ako sa baba para maghanap nang makakain. Parang hindi ko yata napapansin ang gwapo kong kapatid? Hm... Mamaya ko na pala muna iisipin ang isang yun. Hahanap muna ako ng pagkain at syempre... ang paborito kong Milo.

Hinanap ko yung lagayan ng Milo sa cabinet sa taas ng lababo pero wala. Nasaan na ba yun? Ang alam ko ay dito lang yun nakalagay eh. Binuksan ko pa yung ref baka andun. Tinignan ko yung lamesa, wala din.

Nagtingin ako kung saan-saan sa kusina pero wala maging sa dining table pero wala talaga. Nakita ko na lang yung lagayan nun sa lagayan ng mga plato. Waaaah!

“Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!”

“Bakit?! Anong meron?!” Bumaba agad si Kuya Warren nang marinig akong sumigaw.

“Ubos na yung Milo ko! Yung lalagyan ay nahugasan na so meaning ubos na!”

“Akala ko naman kung ano! Wala na! Inubos ko na!”

“Waaaaahhh! Akin yun eh!”

“Bumili ka na lang ulit. Sus.” Paakyat na ulit siya pero tumakbo ako at hinawakan siya sa kanyang damit.

“Milo,” nakangusong sabi ko.

“Gabi na. Wala nang bukas na tindahan dito.”

“Milo!”

“Bitawan mo ako Sai. Isa!”

“Dalawa, tatlo! Milo sabi eh! Bakit mo kasi inubos?! Pwede naman na hindi!”

“Hindi ko iyon inubos! Nung nagtimpla ako sadyang kakaunti na yun! Bukas ka na lang magtimpla.”

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now