ILY-32: Malapit na?

13.9K 398 50
  • Dedicado a Bea Cinco
                                    

Pagkatapos ng insidente sa hospital ay hindi na muling bumalik si Tita Yolly. Galit na galit talaga si Mommy kaya pinaalis niya ang Mama ni Miyo. Todo hingi pa ako ng pasensya kay Miyo dahil nakakahiya yung ginawa ni Mommy sa kanila. Nagtext na lang siya sa akin na mag-uusap daw kami kapag maayos na ako.

Tatlong araw na ako sa hospital. Ito yung araw na pwede na akong lumabas. Ito lang din yung araw na pumayag si Mommy na samahan ako ni Warren dahil inaasikaso niya ang mga bayarin sa cashier. Marami pa kasing proseso kaya hindi ako pwedeng maiwan na mag-isa.

Bumuntong hininga si Warren bago tumayo sa sofa at lumapit sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko na siya namang tinanggal ko agad dahil baka pumasok si Mommy ano mang oras. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Pinili kong siya yung maunang magsalita. Ganito rin kaya yung nararamdaman niya?

"Dahil hindi ka namin mapilit na pumunta sa psych ward, sa bahay ka na lang muna. Alam mong hindi papayag si Mommy na pumasok ka sa school. At kahit pa pumayag sya, hindi iyon pwede sakin."

Mabuti na lang at Sabado ngayon. Pero papasok pa rin ako sa Monday kahit ano pa ang sabihin nila. Yung flight namin ni Mommy ay napa-reschedule next next week. Kailangan daw muna akong magpahinga. Hindi ako umimik sa sinabi niya. Kinakabahan pa rin ako.

"Never do that again. Never..." Alam kong sa sinabi niyang ito ay tinutukoy niya yung ginawa kong paglalaslas. Napalunok na lang ako dahil pinipigilan ko yung nagbabadyang luha na gustong lumabas sa mga mata ko. "So you wanna escape huh? You wanna escpe from me. Ganito na ba talaga ako kawalang halaga sayo at mas pinili mong magpakamatay kaysa ipaglaban ako?" Naipikit ko ang mata ko. Ayaw kong magsalita. Alam kong hindi niya maiintindihan. Walang nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon. Kung alam lang nila kung gaano kahirap.

"Xyren, tumingin ka sakin," sabi niya pero hindi pa rin ako tumingin. "Do you really think you can escape? I will never let you go. Kung sakaling namatay ka, susundan pa rin kita. I'll follow you. Kahit sa impyerno pa yan." Hindi ko na kinayanan at bumuhos na talaga ang luha ko. Tumingin ako sa kanya nang galit. 

"Bakit ba hindi mo maintindihan ha?! Bakit ba ang kulit mo?! Magkapatid tayo eh! O ano? Huwag mo sabihin na naniniwala ka sa sinabi ng Mama ni Miyo? Warren, ikaw na mismo ang nagsabi sa akin noon, Kitang-kita mo kung paano lumaki ang tyan ni Mommy at ako yung batang nasa loob ng tyan nya! Imposibleng hindi tayo magkapatid!"

"Xyren iyon na lang ang pag-asa ko! Iyon na lang ang pag-asa natin tapos itatapon mo pa? Pinipilit kong maniwala! Gusto kong umasa na sana hindi kita kapatid pero bakit pati yung simpleng gusto ko umasa ipagkakait mo pa? Sana inisip mo na kung hindi totoo ang sinasabi ni Tita Yolly, papayag si Mommy na makipag-usap nang maayos pero ano? Hindi 'di ba? Dahil natatakot sya! Natatakot syang malaman natin ang totoo!"

Naisip ko na ang bagay na iyon pero iniisip ko rin na hindi magagawa ni Mommy na magsinungaling sa amin. Mahal ako ni Mommy, kitang-kita ko iyon nang kaming dalawa lang ang nagsama simula nang umalis si Warren papunta noong Canada. Walang dahilan para itago ni Mommy sa amin ang katotohanan. Bakit naman niya hahayaan na masaktan ako kung alam niyang kay Warren ako magiging masaya?

"DNA test... sisiguraduhin kong magpapa DNA test ka."

Ay-el-way KuyaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora