ILY-22: Confirmed

20.4K 409 22
                                    

Sorry kung ang tagal ng update ko. Ang dami ko rin kasi ngayon na ginagawa lalo na yung manuscript ko para if ever magbigay na ng deadline ang Psicom kung kailan dapat isubmit ay tapos na di ba? :)

Follow me on Twitter: imericacruzat

Add me on facebook: www.facebook.com/crunchh.wattpad

Para sa ibang updates :) Hindi ko na kasi masyadong binubuksan ang wattpad ko :)

==

Nag-alala kaming lahat kay Mommy kanina. Akala ko kung napaano na siya. Mabuti na lang talaga at nabigyan siya agad ni Tita Lordes ng isang baso ng tubig at naging maayos agad ang nararamdaman niya. Nasamid pala siya nang kinakain niya kanina.

Semestral break din ni Kathy kaya naman pala nandito siya ngayon sa Manila para magbakasyon. Tamang-tama pa raw na ininvite siya ni Mommy.

"Kailan ka uuwi sa Davao?" tanong ko. Nasa garden kaming dalawa na tapat naman ng swimmiing pool. Sobrang ganda ng view dito kahit na medyo maingay. Rinig din kasi namin ang mga ingay at hiyawan ng mga taong nasa kabilang resort kasi nga t abi tabi ang mga resort dito.

"Siguro sa isang araw. Hindi naman kasi kami makakauwi ni Mama bukas pagkatapos nitong outing natin eh. Syempre nakakapagod yun at siguradong gagabihin kami kaya sa isang araw na lang nang madaling araw." sagot niya. 

"Ah ganun ba? Sayang naman. Kung alam ko lang na nandito ka sa Manila edi nasamahan sana kita rito. Sana pumunta ka sa bahay namin."

Kinuha niya ang number ko at ganun na rin ang ginawa ko sa kanya. Tumawa pa siya dahil ngayon lang daw namin naisipan na kunin ang number ng isa't isa. Ang pangit naman daw na hindi namin alam ang mga nangyayari sa aming magpipinsan.

"Oo nga eh. Sayang wala sina Cholo," nakakalungkot. Sana nandito rin sila para magkaroon kami ng bonding.

"Hah! Huwag kang mag-alala pinsan! Papunta na sila rito. Sabi kasi ni Tita Grace kahapon ay ako na raw ang tumawag sa iba pa natin na pinsan."

"Talaga?" Nakakatuwa naman. Akala ko talaga ay magiging awkward sa amin ni Warren ang sitwasyon pero mabuti na lang at pupunta na dito ang mga pinsan namin.

Mahinang tumawa si Kate kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa dalawang lalaki na meron dalang isda. Ang sarap nilang pagmasdan na dalawa kahit na hindi sila nag-uusap. Pareho nilang nililinisan ang isda para ihawin.

"Hay. Ang gwapo ni Warren at Miyo," nakangiting sabi ni Kate habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"Yeah. They're both handsome. Magkaiba lang talaga sila ng personality."

"Si Warren kasi napaka-outgoing at madaling makasama. I'm not saying na hindi madaling kasama si Miyo ha? Mukha lang siyang mysterious type of guy." Tumingin na siya sakin.

"No. For me, si Miyo ang outgoing type. Then Warren is... the mysterious one."

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now