ILY-09

24.1K 472 33
                                    

"Ano ba?!! Hindi ka pa din ba aalis?!" Sigaw ko kay Miyo nang kinukulit niya ako. Tinutusok niya yung bewang ko. Ano bang problema ng lalaking ito?!

"Aalis ako sa ayaw at sa gusto ko, ubusin mo na nga lang yang binili ko sayo!"

"Bahay ko ito at pinapaalis na kita!"

"Gusto pa kitang kausap"

"Ayokong kausap ka, kinukulit mo lang ako eh! Nakakainis! Pag naingayan si Kuya sa atin baka magalit yun sakin! At pag nagalit yun sa akin, swear!!! Ililibing kita ng buhay!!"

"Sus, para kuya lang. Arte mo naman! Daig mo pa asawa kung maka react" sabi niya habang naka de kwatro pa yung paa niya. Feel at home talaga! Nasa pinaka dulo ako ng sofa namin tapos siya yung nasa gitna na halos ubusin na yung buong space. Hindi na nahiya sa may-ari ng bahay. Tsk. 

Kumuha na din siya dun sa plastic na dala niya at kumain. Hay buti naman. Akala ko ipapaubos niya sa akin lahat yun eh. Habang kumakain ako, kumakain din naman siya. Ang pinagkaiba nga lang.. Nakatingin siya sa akin. Alam nyo ba yung tipo na habang kumakagat siya dun sa tinapay nakatingin siya sa akin. My Gaaaaaaad! NAKAKA CONSCIOUS!  At nang kinain ko na yung huling subo ng tinapay bigla siyang umimik..

"Maganda ka naman pala kahit payat eh" Agad kong pinukpok yung dibdib ko nang sunod sunod.

"Waaah! Tubig! Tubig!!" Hindi na ako magkaintindihan. Kinuha ni Miyo ang dalawa kong kamay at hinatak ako palapit sa kanya. Pinukpok niya ako ng medyo mahina sa likod. Bumaba naman si Kuya at nakita kami sa ganitong sitwasyon.

"Sai? Tsk!" tumakbo siya sa kusina at saka kumuha ng isang basong tubig. Dala pa niya yung pitsel. Pinainom niya ako kaya umayos na yung lagay ko.

"Haaaay! Kala ko mamamatay na ako"

"Ikaw naman kasi, bakit ka ba nabilaukan?" Miyo.

"Nagtanong ka pa?!"

Hinagod ni Kuya Warren yung likod ko..  "Okay ka na ba?" Nag nod naman ako sa kanya.

"Next time, kapag may nangyaring mga ganito, tubig agad ang ibibigay mo sa kanya" sabi niya kay Miyo.

"Oh yeah.. Hindi ko naman kasi alam kung saan kukunin yung tubig nyo."

Patay! Bakit ba kasi tarantado umimik itong si Miyo?

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" kampanteng tanong ni Kuya sa kanya.

"Miyo" masayang sabi pa ni Miyo. (-_-)

"Tatandaan ko yan" Ibinulsa ni Kuya Warren ang kamay niya. "Sai, lets talk later"

Lagot na. Pinaalis ko na si Miyo. Nakakainis kasi eh! Binadtrip niya ata si Kuya! >0< Nasa gate na kami ni Miyo, ang kulit lang niya. Ayaw agad umalis!

"Alis na! Papasok na ako!" Isasara ko na sana yung gate namin nang tinawag niya ako.

"Xyren na payatot. Alam mo bang natutuwa ako sayo? Sa lahat ng babae na nakilala ko, sayo pa lang ako natuwa. Teka, hindi lang ikaw, ang totoo may isa pa eh. Pero sasabihin ko sayo ang tungkol dyan sa Monday."

"Sa iba mo na lang sabihin, hindi ako interesado makinig sayo. Wag ka nga pati basta pumunta dito sa amin ng walang pasabi."

"Okay, itetext na lang kita pagpupunta ako dyan" sabi niya nang nakangiti.

"At bakit?! Alam mo ba ang number ko?!"

"Hindi. Kaya nga kinuha ko kanina nang palihim eh" winagayway pa niya yung cellphone niya sa akin. "Paano ba yan? Ba-bye!" Sumakay na siya sa motorbike niya at saka pinaharurot iyon nang sobrang lakas. Ang ingay, nakakahiya sa kapitbahay. (-_-)

Isinara ko na yung gate at pumunta na sa bahay. Nakalimutan ko yung tungkol kay Kuya. Nakaabang kasi siya sa may sofa. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Bakit ba ang gwapo niya? Kahit anong angulo tingnan gwapo pa din. Tsk. Masama na talaga itong lagay kong ito. >0< Forbidden love.

"Sai.." Heto na. Heto na! Nagsalita na sya. Waaah!

"Saan mo nakilala ang taong yun?"

"Ah.. Kuya.."

"Sai, sasagutin mo lang ang mga bawat itatanong ko sayo, maliwanag?" Waaah! Nakakatakot! calm lang siya magsalita pero may laman eh! May laman! >0< Wala akong nagawa kundi ang mag nod na lang sa kanya.

"So where did you meet that Miyo guy?"

"Sa.. sa school"

"Matagal mo na ba siyang kilala? Kilala ba siya ni mommy?"

"Kuya... ano kasi.."

"Sai, sumagot ka na lang agad. Wala ng kung ano ano pa"

Haaay.. Bwisit na Miyo na yun! Nakakainis! Peste sa buhay ko!

"Just recently.. Hindi siya kilala ni mommy. Siya yung dahilan kung bakit ako napilayan kasi hindi niya sinasadya na mahulog sa hagdan. Sakto naman na nandoon ako" Napakunot yung noo ni Kuya.

"Siya ang dahilan and you let him stay here?"

"No Kuya, It's just that.. that"

"That what Xyren? Do you like that guy? He's.... Aaah!" Napatayo siya sa inis.  "Para siyang gangster. Tell me, bakit siya nahulog sa hagdan?!"

"Kasi.. nakipag-away siya" >0< Para akong bata na sumasagot nang sobrang hina. Natatakot ako na pag lumakas yung tono ng boses ko, mas magtaas siya ng tono. Daig pa niya si mommy! >0<

"See?"

"I don't want him inside this house, got it?"

"Y-yes, Kuya.."

Aakyat na sana siya sa hagdan pataas at iiwan ako nang huminto siya. May nakalimutan ata siyang sabihin sakin. :(

"Sai.. You didn't answer one question. Do you like that guy?" Nakatingin lang siya at naghihintay ng sagot. Nagalit siya sa akin. Galit siya.. :(

"No, Ku--"

"Forget it" sabi niya sabay akyat sa itaas. 

Ang hiraaaap.. Totoo bang nasa ganito akong sitwasyon ngayon? Kuya ko, mahal ko? Dapat itinigil ko na noon pa ang kahibangan ko kay Kuya. Akala ko kasi simpleng pagkagusto lang iyon. Masyado akong naattract sa itsura niya sa Facebook.

Naalala ko yung debut ko. Hinawakan niya ang kamay ko nang mga oras na iyon. Pakiramdam ko parang kami lang ang tao sa event.  My heart skip a beat.  'Happy Birthday Xyren'   sabi niya sabay alis ng maskara.

At sa simpleng iyon, I fell in love with him..

I fell in love with my brother..

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now