ILY-11

22.5K 438 23
                                    

FIRST TIME KO MAG UPDATE GAMIT ANG CELLPHONE. HEHE. 

==

Hindi ako lumalabas ng kwarto. Natatakot nga ako na katukin ako ni Kuya kasi kakain na kami. Hindi ko siya iniimikan simula pa kanina. Wala naman ako sasabihin at isa pa hindi ko ata kayang tignan siya sa mata ng diretso.

Nag iinarte lang siguro ako.. yeah right. Kasi kapatid lang naman ako pero kung magselos ako para akong girlfriend.

Paano ba talaga mawawala itong nararamdaman kong ito? Hindi ko na agad amg gagawin ko nang kumatok si Kuya Warren.

"Sai?"

Humiga agad ako sa kama at nagkunwaring natutulog. Ang hirap pala ng ganito. Kailangan ko muna siguro siyang iwasan.

Nang hindi ko pa din binubuksan ang pinto ay kusa na niya itong binuksan. Ramdam ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Umupo pa nga siya sa kama ko. Tsk. Warren Fajardo! Hindi mo ba alam na pinapahirapan mo ako sa ginagawa mo ngayon?!

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Syempre naman pikit ako diba? Ang tagal nga niya umalis.. nakakainis. Ang hirap kaya magpanggap na tulog! Ilang saglit lang naramdaman ko nang gumalaw ang kama ko. Akala ko nga aalis na siya pero nagulat na lang ako nang halpusin niya ang buhok ko.. Grabe.. ang bilis ng tibok ng puso ko. Umayos ka Xyren!!!

Pero hindi lang pala iyon..

Dahil hinalikan niya ako sa pisngi ko..

Sa sobrang gulat ko muntik ko nang hindi makontrol ang sarili ko. Buti na lang nakapagpigil ako.. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.. aaaaahhhh!!!!

"Hmmm" Nagkunwari na lang akong gumalaw para isipin niya na medyo nagigising ako.

Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Buti na lang at isinara niya ulit. Nang maisara niya agad yung pinto ay napatayo naman ako mula sa pagkakahiga hawak hawak ang dibdib ko.

PARA SAN YUN?!

Hindi na ako talaga makatulog nito.. Hindi na nga ako nakakain kanina eh. Tch. 1 am na.. Ugh! Makakapasok pa ba ako nito bukas? Baka mukha akong zombie nun!

Bigla kong naalala si Miyo. Patay! May sasabihin nga pala ako sa lalaking yun! Bakit ba kasi masyado akong affected sa ginawa ni kuya? Chineck lang naman niya kung ayos ako diba? At.. At 'yung kiss.

"Ugh! Halik pangkapatid lang yun eh! Sa pisngi nga eh! Bakit ba kasi ang OA ko?" para akong baliw na nagsasalita mag-isa.

Binuhay ko na lang yung phone ko. Ang daking text messages from Miyo pati missed calls. May isamg text message si mommy, sana daw ay okay kaming dalawa dito sa bahay. Tch. Sana lang talaga umuwi na sya.

Bukas ko na lang sana sasabihin kay Miyo yung tungkol sa nalaman ko pero nagulat ako nang tumawag siya.

Calling Miyo...

"Hello" 

"Hoy payatot!!! Sa wakas binuhay mo din ang cellphone mo! Aish! Ano ba naman yan? Diba sabi mo may sasabihin ka?!" 

"Err. Something happened kasi kaya nakalimutan ko ng itext ka. At pwede wag ka sumigaw? Teka.. Gising ka pa din?!!" 

"Malamang! Langya! Pinaisip mo ako ng pinaisip dun sa sinabi mo na may sasabihin ka sakin" 

"Pwede ba huminahon ka?!" 

"Oo na.." 

"..." 

"So ano na?" 

"Kasi..." 

"Yeah right.. I get it. You like me?" 

"Huh?" Ano namang pinagsasasabi ng mokong na ito? 

"I said you like me.. Hindi mo masabi kasi nahihiya ka? Na realize mo siguro nang sabihin ko sayo kanina na I like Nathalia. pffft" Patawa tawa pa siya sa kabilang line. The nerve of him!!! Mga kababayan, ang kapal po ng mukha niya!! 

"Pwede ba Miyo! Umayos ka ha? Pasalamat ka talaga dahil hindi tayo magkasama kasi kakalbuhin kita! Hindi yun! Iba sasabihin ko. About that Nathalia Girl"

Kinuwento ko na yung nangyari kanina.. At syempre.. yung tungkol kay kuya at Nathalia..

"Hindi ka pa naman sure kung sila nga diba? Why not ask your brother?" 

"Ayoko nga! Baka magalit sa akin eh" 

"Ganyan ka na ba ka concern sakin kaya mo sinabi yan? Kung sila.. well, wala ako magagawa. Hayaan mo na lang" 

"Ano ka ba! Wala ka talagang pag-asa. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo!" 

"Kahit na may masasaktan tayong iba? What if they're really dating and they like each other? Kaya mo ba na masaktan ang kuya mo kapag gumawa ako ng move kay Nathalia?"

That made me speechless. Syempre ayoko naman na masakatan siya. Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Kung ganon.. hahayaan na lang natin sila?" 

"Yes.." Ang bigat talaga ng dibdib ko. 

"Matutulog nako ah? Bigla na akong inantok. Bye" 

"Sige na Xyren Payatot. Good mornight. Wala ako bukas sa school kasi may gagawin ako."

Hindi ko na tinanong ang gagawin nya bukas. Inend ko na lang ang call.. Umiiyak na pala ako. Nakakainis. Nakakainis talaga! Walang idea ang kapatid ko na nasasaktan ako dahil nya.

Sa una palang mali na.. Mali na nagka crush ako sa kapatid ko. Tama ba namang mangolekta ng mga pictures niya? Nakakainis ka Xyren, pwede mo naman kasi pigilan noon pa pero ginusto mo din magkagusto sa kapatid mo.

Nakayuko lang ako habang tahimik na umiiyak.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko? Magnanakaw?!

"Sai?! Bakit ka umiiyak?" tumakbo siya papalapit sakin. Hinawakan niya ako sa baba ko at itinaas ang ulo ko para makita nya nang maayos ang mukha ko. Mas lalo ako napaiyak.. Hindi kami pwede.. Hinding hindi.

"Wala to.."

"Anong wala? Sino ba ang nanakit sayo?"

Calling Miyo..

Napatingin naman kaming dalawa sa cellphone kong nasa kama.. Tunog ito ng tunog.

Calling Miyo..

"Siya ba?!" 

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now