ILY:26- What are you doing here?

18.7K 364 36
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na sa school ka magtatrabaho? Wow! Professor ko pa!" Sumasakit yung ulo ko kay Warren. Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan nang makapasok ako. Umupo na siya sa driver's seat nang tumatawa. Tapos na ang klase at hinintay niya ako kanina sa baba ng building namin. Damn it! He already knows my schedule!

"What's your problem? Aren't you happy?"

"Of course I'm not! Sobrang nabigla ako sa ginawa mo!"

Humalakhak na naman siya, "Kaya nga hindi ko sinabi kasi I want to surprise you. Tingnan mo ang sarili mo, gulat na gulat ka." Hindi niya ako maintindihan! Hirap na hirap na ako sa pwesto kong ito tapos siya ay nagagawa lang tumawa? Hindi niya alam na parang sasabog na ang loob ng dibdib ko sa kakaisip kung paano ko siya makakalimutan, kung paano mawawala ang nararamdaman kong ito para sa kanya.

"You don't understand..." halos pabulong na ang pagkakasabi ko nito, "I want this feeling gone. Pero paano ko iyon gagawin kung palagi kitang makikita? Magkasama na nga tayo sa bahay tapos sa school, makikita pa kita."

"That's why I'm here. Gusto kong palagi kang nakikita. At gagawin ko ang lahat huwag lang akong mawala ang nararamdaman mo."

"You're killing me! Bakit ba ang selfish mo?! Hindi mo ba nakikita na ginagawa ko ang lahat makalimtan ka lang? Warren, you are my brother! This is incest!"

"I don't care! Kahit kailan hindi kita tiningnan bilang kapatid! Kung natatakot ka sa sasabihin ng iba, kaya kitang ipagtanggol. Ipaglalaban kita... Wala naman silang magagawa kung pareho tayong nagmamahalan 'di ba? Sai, I came back... I came back for you. Pinili kong bumalik dito at hindi pumirma ng kontrata sa Canada dahil nandito ka. Sabihin na natin na baliw ako...Baliw na ako sayo at hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ito."

"Si Mommy? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman niya? Ayokong masaktan sya." Umiyak na ako kaya naman niyakap nya ako.

"I don't want her to get hurt, too. Pero Sai, hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Sasabog siguro ako kapag hindi ka naging akin."

"Warren naman... Don't make it hard for me," sabi ko nang humihikbi. Paano ako makakawala sa kanya kung ganito siya sakin.

"No Xyren. Hindi ako aalis. Walang aalis sa ating dalawa. Ngayon pa ba na alam ko na ang nararamdaman mo? You don't know how glad I am nang malaman ko ang nararamdaman mo. At sa mga oras na iyon ay napagpasyahan kong hindi ka pakawalan."

Nang makauwi kami sa bahay ay may inihanda ng pagkain si Mommy. Masaya nya kamiing sinalubong. Itinanong pa nga niya kung kamusta raw ang unang araw ni Warren sa school.

"Hindi nyo sinabi sakin na magiging professor ko sya. Alam nyo rin pala," sabi ko kay Mommy.

"Ayaw sabihin ng kapatid mo eh," tumawa siya. "So kamusta si Xyren sa school, hijo? Madami ba siyang kaibigan doon? May manliligaw ba sya?"

"Ekis. Mailap siya sa tao." Nakatingin sakin si Warren pero hindi ko magawang tumitig sa kanya. Paano nya ba nagagawa na itagong ayos lang ang lahat sa harap ni Mommy? "Wala pa naman akong nakikitang umaaligid sa kanya. And I won't let them."

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now