ILY-16: What?!

23.3K 441 34
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas at ilang araw ko din iniiwasan si Ella. Kapag nakikita ko sya sa cafeteria ay hindi na ako tumutuloy at ganoon na din sa kahit saang parte ng campus.

Umiiwas lang ako dahil baka may itanong pa siya sa akin tungkol sa kapatid ko. Alam kong magkaibigan sila pero hindi ko maiwasan na hindi magselos dahil malapit sila sa isa't isa. At ngayon, pinapag aralan ko na kung paano mawawala ang nararamdaman ko sa kanya.

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Nagulat ako nang umupo si Miyo sa tabi ko. Nasa pinakadulong table ako ng library kung saan wala masyadong tao. Himala at nagpakita sya ngayon? Huling beses ko siyang nakita ay sa parking lot ng mall kung saan na encounter namin ni kuya si Leo. Psh!

"Wag ka ngang maingay!" pabulong yung pagkakasabi ko sa kanya. Duh! Nasa library kaya kami.

"Eh nakakainis ka naman eh! Tinatawagan ko yung cellphone mo pero unattended!"

"Nakalimutan ko kasi i-charge kagabi. Teka nga, bakit ba kailangan ko pa magpaliwanag sayo?" bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Kita mo naman diba? Nag do-drawing ako." sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Masyado akong busy dahil kailangan ko nang matapos ito sa isang araw. Malapit na mag sem break kaya mabuti nang wala akong incomplete. Ang higpit pa naman ng professor ko sa subject na ito.

"Gusto mo ipagawa ka na lang ng architect namin? Magaling yun." tinitingnan niya ang ginagawa ko.

"Tss. As if naman!"

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Bahala siya..

"Hello Jasmine!" Tumingin ako kay Miyo na may kausap na sa kanyang cellphone.Kung makipag usap kala mo kanya itong library. Tsk. "Anong number ng architect namin? Sino nga ba yun?? Jonas ba pangalan nun o John?"

Architect?

Tumingin sakin si Miyo.

"Wala akong pakialam kung hindi mo alam! Hanapin mo! Kung kinakailangan hanapin mo sa office ni papa yung contact number nya ay gawin mo!"

Nanlaki yung mata ko sa narinig at inagaw yung cellphone sa kanya. Agad ko namang tiningnan kung may kausap nga ba siya dahil baka pinagtitripan lang ako ng lalaking 'to.

"OMG! Totoong may kausap ka?!" napasigaw na ako.

"Oo. Akin na nga yan!" kinuha nya yung phone niya. "Bakit mo inend call?!"

"Ano bang ginagawa mo ha?!"

"Tinatawagan ko secretary ng papa ko para malaman contact number ng atchitect namin. Siya na lang yung gagawa niyan!" turo nya sa drawing ko.

"Ano ka ba! DREAM HOUSE KO ITO KAYA WAG KANG MANGIALAM!!" Nagulat naman siya. Psh! Ano naman kagulat gulat sa sinabi ko?

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon