ILY-23: Kahit anong paraan

18.7K 366 28
                                    

Dinala niya ako sa lugar dito sa resort kung saan malayo sa swimming pool na malapit naman sa mga kwarto namin. Kinakabahan ako. Feeling ko nahalata na niya ang pagkagusto ko sa sarili kong kapatid.



Binitawan na niya ang kamay ko at seryosong tumingin sakin.



“Now I get it.” Tumawa siya pero sa tingin ko ay fake iyon. “Hoooo!” Parang hindi nya rin alam kung paano nya ako kakausapin.



“Xyren... Xyren... Xyren...” Nagpaikot-ikot siya sa harap ko. Habang tumatagal ay mas lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko. Mas lalo akong kinakabahan. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong iiyak kapag sinabi na niya ang tungkol sa bagay na iyon.



“Ano ba, Miyo? P-pwede bang bumalik na lang tayo sa cottage?” Nanginginig ang boses ko. Mas lalo lang nitong nakumpirma ang takot na nararamdaman ko. This time ay kunot noo na siyang lumapit sa akin.



“Ang laking palaisipan sa akin kung bakit ka umiiyak noong tumawag ako sayo nang sinabi mong may sasabihin ka sakin. Ang kapatid mo ang sumagot ng pangalawa kong tawag at sinabi niyang humanda ako sa kanya dahil pinaiyak kita.”



“Miyo, tama na... Huwag na natin iyan pag-usapan.”



“No, Xyren. I want to know the truth. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan eh!”



“Miyo, please...” Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan. Sigurado akong oras na sabihin niya iyon ay bibigay na ako.



“You were crying that time, Xyren! Bakit? Bakit ka umiiyak? Imosible na nasasaktan ka nang dahil sa akin eh. Ano yun, umiiyak ka dahil nasasaktan ka para sa akin dahil ang gusto ni Nathalia ay ang kapatid mo? Imposible!”



“Ano ba talaga ang gusto mong palabasin ha?!”



“Yung party... Kitang-kita ko sayo na parati mong hinahanap ang kapatid mo? Ano yun, masyado mo na agad siyang namiss? Noong nakita ko rin kayo sa parking lot ng mall kasama ni Leo, kinausap ko siya. Alam mo ang sabi niya? Hindi kayo mukhang magkapatid nang makita nya kayo sa mall.” Umiiyak na ako. Hindi ko na napigilan. Sobrang sakit na. Gusto ko na siyang tumigil pero paano? I knew it! Alam na niya! Nahalata na niya ako.



“A-ano bang sinasabi mo dyan?”



“Yung mga tingin mo sa kapatid mo, Xyren. Kakaiba... Kanina pa kitang tinitingnan. And now you're jealous at Nathalia.” Hinawakan niya ang kanyang noo habang umiiling. “Aaaah! Sht! Hindi ko alam kung paano nangyayari ang ganito pero sht lang Xyren! Sabihin mo nga... Are you in love with your own brother?!”



Hindi ako makatingin sa kanya. Wala rin akong magawa dahil patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko. Nakakainis na hindi ko ito mapigilan.



“Of... ofcourse not! Why would I be? A-ano ka ba?”



“Pero bakit ka umiiyak? Dahil totoo 'di ba?” Humagulgol na ako. Sana tumigil na siya. Ayoko nang marinig pa... Ayoko na.



“I really like you, Xyren... as a friend. At concern ako sayo. Kung ano man iyang nararamdaman mo, mali yan. Maling mali.”



“Miyo...” Basang-basa na ng luha ang mukha ko. Parang hindi na ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I love Warren... so much. Alam kong mali ito pero paano ko ito pipigilan?



Niyakap niya ako nang mahigpit kaya mas lalo akong naiyak.



“Ssssshhhh...”



“Miyo... please... Huwag mong sasabihin sa kanila,” pagmamakaawa ko.



“Pareho ba kayo nang nararamdaman ni Warren?” tanong niya na hindi ko na nasagot. Tumili kasi ang mga pinsan ko na sina Kate at Bea. Agad kaming naghiwalay ni Miyo. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Lumapit sila sa amin na halatang kinikilig.



“OMG! Hindi nyo sinasabi sa amin!” sabi ng kikinilig na si Bea.



“Hala! Umiiyak ka ba, Xyren? Halata sa mata mo eh.” Napansin pala ako ni Kate.



“Ano ka ba! Probably may problema lang yang dalawa. Ayiiieeee! Ayusin nyo na yan ha?” Hindi ko na nagawang umimik. Natatakot ako na may sabihin si Miyo sa kanila.



“Wala yun. Masama lang ang pakiramdam ni Xyren,” depensa ni Miyo.



“Sus! Kailangan talaga may yakap factor pa?” Hindi mawala ang kilig sa aming dalawa ni Bea. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang malaman na hindi lang pala sila ang nandito. Kasama rin nila si Warren na halatang galit na galit. Masama ang tingin niya sa aming dalawa ni Miyo. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ito ang panahon para magpaliwanag sa kanya. Isang pagkakamali lang ay malalaman ng mga pinsan namin ang tungkol sa nararamdaman namin sa isa't isa.



“Towel mo.” Inihagis niya sakin ang tuwalyang dala niya at saka tumalikod palayo sa amin.



“Anong nangyari dun?” nagtatakang tanong ni Kate.



“Don't tell me possessive na Kuya si Warren? OMG! Ang sweet nyong magkapatid! I wish to have someone like him!” Bea.



Kinuha naman ni Miyo ang towel na hawak ko at ipinunas sa mukha at katawan ko. Hindi naman kasi nabasa ang buhok ko kanina kasi hindi ako lumubog sa tubig. Bumalik na sina Bea at Kate sa swimming pool. Hinanap lang pala nila kami kanina. Ako naman ay nagdesisyon na mag-shower na lang at magpalit ng damit para makaiwas sa mga pinsan ko.





Walang imikan kami ni Miyo pero hinatid niya ako hanggang sa tapat ng pinto ng kwarto namin. “Sorry ha? Pero kailangan mong magising sa katotohanan.” Hindi ako nakaimik. “Pumasok ka na.” Tahimik lang akong pumasok sa loob ng kwarto. At ngayong ako na lang, hindi ko pa rin naiwasan na hindi umiyak. Siguro nga kailangan ko nang tigilan ito. Sa kahit anong paraan pa.

==

Short update lang :)

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now