ILY-20: Mom is back

23.2K 499 53
                                    

Dedicated to my sis in law.

Ehem. Yonghwa fever ako habang sya naman ay Jong hyun fever. Boice kami eh :'>

==

"Saan tayo pupunta, Warren?" Nakatingin ako sa kanya pero ngumiti lang sya at hinawakan ang ulo ko habang naglalakad. "Saan nga tayo pupunta?"

"Basta."

Hindi ko naiintindihan si Warren pero sumama na lang ako sa kanya. Napansin ko na nandito na pala kami sa playground. Nakita ko si Carla at ang mga kasama nya na naglalaro kaya agad akong pumunta sa likod ng kapatid ko.

"Huwag kang matakot, Xyren." Kahit sinabi nya sakin na huwag akong matakot ay natatakot pa rin ako. Baka saktan na naman ako ni Carla. Humawak ako sa damit ni Warren.

"Warren? Makikipaglaro ka ba sa amin?" Masayang sabi ni Carla nang makita sya. Lumapit pa nga ito sa kanya. Nanatili lang akong nakatago sa kanyang likuran.

"Halika, Warren!" Hinawakan ni Carla ang kamay ni Warren. "Maglaro tayo! Ako ang prinsesa at ikaw ang aking prinsipe!" Malakas na inalis ni Warren ang pagkakahawak ni Carla sa kanyang kamay.

"W-warren?"

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa kapatid ko. Wala kang karapatang saktan sya." tumingin ako kay Carla. Saka pa lang nya napansin na nasa likod ako ni Warren kaya nagtago ulit ako.

"W-wala akong ginagawa sa kanya." Naiiyak na sabi nya.

"Huwag mo na akong lalapitan. Huwag ka rin umasa na may gusto ako sayo. Sa susunod na saktan mo si Xyren, baka makalimutan kong babae ka." Tumalikod na si Warren at nagsimulang maglakad. Nakahawak pa rin ako sa laylayan ng kanyang damit.

"May iba ka bang nagugustuhan?" sigaw ni Carla na umiiyak kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami palayo. Tumingin naman ako sa mukha ni Warren. Ang seryoso nya.

Malayo na kami sa playground nang tumigil siya sa paglalakad.Yumuko siya at ngumiti habang ginugulo ang buhok ko.

"Ikaw lang ang aking prinsesa. Tandaan mo yan." Ngumiti naman ako.

"Ako ang prinsesa ni Warren!"

"Hawakan mo ang kamay ko." Ginawa ko naman iyon.

Nagising akong may humahaplos sa aking buhok. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakangiti.

"Gising na ang aking prinsesa." Agad akong bumangon at inayos ang aking buhok.

"Wait... wait.. wait.." Pinagmasdan ko ang silid kung nasaan ako. Hindi ito ang kwarto ko. Masyado itong malinis kumpara sa aking kwarto. Tumawa naman siya.

"Dito ako natulog sa kwarto mo?!"

"Oo. May problema ba?" nakangiting sabi nya. Itinuro ko sya tapos itinuro ko rin ang sarili ko. Paulit-ulit na ganoon ang ginagawa ko.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now