Chapter 16

134K 9.3K 5.5K
                                    


12 MIDNIGHT. HE WAS HOLDING MY HAND.

Nakatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak ni Jordan. Mula sa pagtawid namin kanina sa kalsada, hanggang ngayon ay hawak-hawak niya ako. Hindi mahigpit, hindi rin magaan. Tama lang.

Nakasunod ako sa kanya pati ang mga mata ko. Minamasdan ko siya mula sa likod. Bahagyang magulo pa ang buhok niya na halatang kababangon lang mula sa kama. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa isang tawag ko lang, sumagot agad siya.

At kahit alanganing oras, kahit naistorbo ang tulog niya ay nilabas niya pa rin ako. Pinuntahan niya pa rin ako...

"Anong nangyari sa 'yo?" kalmado ang boses na tanong niya pero may bahid iyon ng pag-aalala.

Hindi ako sumagot. Ayokong pagusapan ang dahilan, sa totoo lang. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Hindi naman na niya ako inusisa pa.

Lumampas kami sa guardhouse ng subdivision. Pagkarating sa harapan ng bahay nila ay saka ako nagsalita. "Okay lang ba na makitulog ako sa inyo?"

Nakakabigla kasi na basta na lang akong makikitulog sa bahay nila, kahit ako ay nabibigla sa desisyon ko. Malamang na mas grabe ang mararamdaman ng parents niya. Baka mawindang ang mga iyon kapag malamang may inuwing babae ang anak nila sa dis oras ng gabi.

Maingat na binuksan ni Jordan ang bakal na gate para hindi makalikha ng ingay. Nanguna siyang pumasok sa loob ng bakuran ng bungalow at ako naman ay tahimik lang na nakasunod.

"Tulog na sila."

Napatango-tango ako. Nakahinga ako nang maluwag. Di bale, aagahan ko na lang umalis kinabukasan para hindi nila ako maabutan.

"E si Jillian?" Naalala ko ang kapatid niya.

"Maaga ring natutulog."

"Boring. Wala ba siyang kachat?"

"Hindi siya mahilig sa ganoon." Sinusian niya ang main door ng bahay.

"Pano mo alam? Kasama mo ba siya lagi?"

Hindi siya sumagot. Hindi niya siguro masagot. Hindi naman kasi talaga niya kasama ang kapatid niya palagi. Magkaibang kwarto sila kaya malamang na clueless siya kung may kachat pa ba si Jillian sa gabi o wala.

Saka imposibleng walang nangungulit kay Jillian, no. First, magkasing ganda kami. Ang mga magaganda, kahit umiwas pa 'yan, hindi 'yan basta tatantanan ng mga manliligaw. Mapa-chat man or in person.

Secondly, bukod sa maganda si Jillian, matalino pa. Iyon ang lamang niya sa akin. Kaya kung ako nga na patapon, pinipilahan ng suitors, malamang na si Jillian, box office hit.

Nilingon ako ni Jordan pagkapasok namin sa sala nila. Nakataas ang isang kilay niya sa akin.

Hindi niya binuksan ang ilaw ng sala. Hindi naman madilim dahil lumalagos mula sa manipis na kurtina ng sliding window nila ang liwanag mula sa lamppost sa labas. Napasulyap ako sa wall clock at nakita kong mag-aala una na ng madaling araw ang oras.

Pinihit niya ang doorknob sa kwarto ni Jillian. Napahaplos siya sa kanyang batok nang malamang nakalock iyon mula sa loob.

Itinuro ko ang sofa nila sa sala. "Dito na lang ako o..."

Napatingin siya roon pagkatapos ay napakunot noo siya. Mukha kasing doon niya ako sa kwarto ni Jillian balak patulugin, ang kaso nakalock sa loob. Dyahe naman kung mangangatok at manggigising pa siya.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon