CHAPTER 122

69 7 1
                                    

XANDER'S PoV

Napabuntong hininga ako ng makirang huminto ang sasakyan nya sa harapan ng airport. Saan naman kaya toh pupunta??

"Hayst!!!" Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinext si Tope na aalis si Uraraka at ako nalang siguro ang bahala muna sa kanya?? Susundan ko nalang muna sya.

Bago ako bumaba ng sasakyan ay chineck ko muna ang wallet ko at napangiti ako ng makitang kumpleto ang mga cards ko. Wala sa sariling nagdasal ako at bumaba ng sasakyan. Dali dali akong pumasok at sinundan ang nakapulang dress. Bago kase sya dumeretso dito at huminto muna sya sa isang store at namili ng kung ano ano.

Bumili sya ng ticket at ganun din ako. Papuntang England, Cardiff yun dahil yun ang sabi ng babae sakin. Syempre hindi sya pumayag nung una dahil baka masamang tao ako kaya ginamit ko yung pinagbabawal na tiknek sabay sabing.. "Girlfriend ko po kase sya at gusto ko lang syang sundan at baka may ginagawang masama." Ayun, pumayag sya.

30 minutes daw yung flight kaya umakyat muna ako sa taas at namili ng duffle bag, mga damit, pagkain, travel pillow at kung ano ano pa na kailangan ko. Agad din akong bumalik at naupo sa hindi kalayuang upuan kay Uraraka.

Nakaupo lang sya habang hawak hawak ang phone nya. Hindi ko din alam kung saan sya nakakuha ng pera pero bahala na.. first time kung mag tatravel na wala sa plano at baka magalit sina Mommy pero andito na ako eh, nakabili na ako at sayang naman. Dream ko ding makapunta sa England eh.

Ilang minuto ang nakalipas at tumayo sya bigla. Tatayo na sana ako kaso sa cr naman ang punta nya. Hinayaan ko nalang at agad din syang lumabas pero mas nagulat ako ng bumalik sya eh may dala dala na syang isang Barrel bag at isang body bag. Gucci payan ah. May suot nadin syang knee boots, may suot na denim jacket at nakatali ng maayos ang buhok.

'Saan naman nya nakuha yan?'

Hindi ko nalang pinansin at agad nagtago nf tumingin sya sa may bandang gawi ko. Ilang minuto din ang lumipas at inanunsyo na yung flight namin. Dali dali akong sumunod dun at pumila na. Hindi naman kailangan iiwan ko pa yung dufflle ko dahil hindi naman ganun sya kalaki. Sinuot ko ng maahos yung shades ko at agad naupo sa upuan ko, mesyor magkalapit lang kami ni Uraraka pero hindi naman ganun kalapit, yung isang seats lang ang layo.

Umandar na yung eroplano at kitang kita ko mula dito na umidlip si Uraraka. Medyo hindi komportable yung posisyon nya. Wala din syang unan o kahit ano.

Walang nakaupo sa katabing upuan nya at kaunti lang naman yung mga pasahero.

"Excuse me." Tumawag ako ng isang attendant crew.

"Yes, sir??"

"Can I exchange my seats?? Dun oh?" Turo ko dun sa may katabing upuan ni Uraraka.

"Sure, Sir. We don't have new passengers so you can freely sit there."

"Thankyou."

Tinulungan nya akong lumipat dun at agad din akong nagpasalamat at nagpahatid din ako ng dalawang tubig, dalawang sandwich at dalawang tuna roll at agad ding nagbayad. Kinuha ko ang travel pillow ko at agad na pinatong iyun sa balikat ko at agad ding sinalin ang ulo nya dun. Mabuti nalang at hindi sya nagising.

Inilabas ko ang phone ko at pinindot ang aeroplane mode at agad din nagtext kay Jana ko.

To: Sweetie

Sweetie, mawawala muna ako ng isang week ah?? Babalik din agad ako, i love you. Don't skip meals, okay?? Wag ka munang mag-alala sakin.

Bigla kong naalala yung sinabi nina Ron sakin tungkol kay Jana, hindi ko alam kung totoo pero sana hindi para naman hindi ako masaktan. Mahal ko pa namam yun.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now