CHAPTER 135

59 8 0
                                    

XANDER'S PoV

LATE na ako ng gising dahil sa dami ng iniisip ko kahapon pero hindi ako nalate sa klase. Mas ayoko ata nun.

Magtataka na sana ako nung makitang kumpleto ang grupo ni Uraraka, syempre maliban sa kanya dahil alam ko namaj na hindi nila kayang mawala sa paningin ni si Uraraka ng maalalang madami nga palang bantay yung babaeng yun sa hospital.

Walang bago sa klase namin. Ganun padin naman, discussion, take down notes, quizzes hanggang sa nag ring ang bell para sa lunch.

Napuyat din ako kagabi kakaantay sa vlog ni Jana pero wala syang napost. Usually, after she took her fully vlog, eedit nya lang yan o yung editor nya tapos after an hour or two ipopost nya na pero dumating na ang umaga wala padin.

"Hoy." Mahinang tapik ni Will saakin.

"'no?"

"Notebook." Mahina syang natawa. "Pero ano nga??? Kanina kapa long face."  Tinapik nya ulit ng dalawang beses ang balikat ko. "Pero wag kang mag-alala..  gwapo ka padin."

Bahag ko syang tinulak. "May girlfriend na ako."

"Gago, hindi yun." Bumuntong hininga sya. "Pero seryoso, ayaw ba maalis sa utak mo yung sinabi ko kahapon??"

"Malamang."

Napatango sya. "Kalimutan mo nalang."

"Ano??" Halos mabatukan ko sya sa gulat.

"King, kung gumugulo yun sa utak mo, kalimutan mo nalang. Baka mali lang talaga ako ng hinala at baka praning lang tayong dalawa kaya yun ang naiisip natin." Then he shrugged his shoulders.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Pag ako kaya sinabihan kitang nakita ko si Mae na may ka holding hands na lalaki habang naglalakad sa mall at mukang sweet na sweet sila, anong iisipin mo??"

Ngumuso sya. "Malang magseselos at baka niloloko nya ako."

"Precisely!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses at mabuti nalang walang nakapansin sakin. "So how dare you say that?"

"Ehhhhhh... Edi tanungin mo nalang sya."

"Easier said than done." Inikutan ko sya ng mata. "Hayaan mo nalang. Iisipin ko nalang na praning ako. I know Jana can't cheat on me."

"Okay." Tumayo pero agad ding bumalik ng tingin sakin. "Pero— hindi mo naman nakita si Mae na may kasamang iba, diba??"

"Tsk. As if naman na kaya nyang umalis sa poder ni Uraraka."

"King!"

"Oo na, Oo na."

"Okay. Thankyou." Dali dali syang umalis. "Mae!! Baby!!"

"Tsk."

Inantay ko lang yung pagkain ko at kumain na kami ng sabay. Ako, si Casper, si Dwayne at Mike lang ngayon ang magkasama dahil yung dalawa nasa mga jowa nila at speaking of jowa.. may meeting yung akin kaya wala sya dito.

"Ano nga pala nangyari kay Will?? Nakita ko syang mukang natataranta." Tanong ni Dwayne saakin habang sumusubo ng pasta nya.

"Ewan ko. Parati namang taranta yun eh."

Kumain nalang kami hanggang sa matapos at tinungo ang field para sa mamayang activity namin dito. Isang section kaming nakaupo sa ilalim ng malikang puni para hindi mainitan. May matt naman para maupuan.

"Sweetie. Banyo lang ako." Paalam ni Jana at hinalikan ako sa noo.

Tumango lang ako at nakatingin sa kanya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now