CHAPTER 171

37 1 0
                                    

CASSANDRA'S PoV













WHILE STARING AT MARK, hindi ko mapigilang pagdudahan sya dahil sa mga nalaman ko kahapon kay Daisy. Unang una ang kwento nya about daw sa nakaka traumatized nyang first love kay Kathy or Kathya, pati pangalan nag-iba. Ibang iba kase talaga ang kwento ni Daisy at ni Mark, napakalayo.

Ang pangalawa naman ay tungkol sa pagbebebake.

Kung hindi si Daisy ang nagpabili, sino?

Kahit dalawa pa lang 'yung napapansin ko eh parang gusto ko ng sirain 'yung connection naming dalawa pero parang ang babaw ko naman kapang ginawa ko 'yun.

Napabuntong hininga ako at tinuon ang buong atensyon sa klase, mahirap na kapag bigla akong tinawag at 'di ako makasagot.

"Miss Wilton, please answer this equation."

Sabi na eh,

Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumapit sa white board. Kumuha ako ng pen at tinignan ang buong equation.

Ang sabi ko makikinig ako pero 'di ko naman sinabi na magegets ko agad.

I bit my lower lip before analyzing the question about the equation before starting to write. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko at binase ko nalang sa tanong sa itaas.

It took me a couple if minutes before finally finishing it, mahaba ang equation.

"The answer is correct but you missed some few steps, Miss Wilton."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko,

"You forgot the third step— but it still impressive."

Napangiti nalang ako kahit parang ayaw ko pa.

"Thank you, Miss Nik."

Akala ko ba I forgot a few steps?? Bakit third step lang ang binanggit?

Bumalik ako sa kinauupuan ko at tahimik lang si Will na parang nagtataka, kumunot ang noo ko sa kanya dahil hindi ako sanay.

Hinayaan ko nalang sya at nakinig na ulit ako at baka may malimutan nanaman ako.












"LAKAS TALAGA NG TAMA NI MISS," Mahaba ang ngusong sabi ni Will. Kakatapos lang kase naming mag take ng long quiz sa History, maayos lang sana kaso 1-50 ba naman ang ibinigay at lahat ng 'yun identification.

Hindi na ako magugulat kung bagsak na ako sa subjects nya,

"Bakit kase bukas nya pa ipapacheck kung pwede naman ngayon," Reklamo naman ng nasa likod namin, sina Mae.

"Hindi ako makakatulog nito mamaya." Asal naman ng katabi naming upuan, sina Ica.

"Jusko, kahit maka 30 lang ako, ayos na'ko dun."

Kahit pumasa lang ako, ayos na'ko dun.

Mas last subjs pa kami which is ang Music pero hindi pa pumapasok si Miss. Ang tagal nga nya eh,

"Ang tagal naman ni Miss," Tumayo si Will. "Salubungin ko kaya sya?"

"Pa'no mo sasalubungin eh hindi pa nga ata nakakaakyat." Sabi naman ni Mae na nasa likod namin.

"Baka lang naman baby eh,"

"Tsk,"

Sa harapan ko pa talaga,

Nagulat kami bigla ng bumukas bigla ang pinto pero padabok, akala namin kung sino pero si Miss na pala 'yun pero base sa muka nya, wala sya sa mood.

Mas lalo kaming nagtaka ng makitang walang dala si Miss kundi ang bag nya lang.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now