CHAPTER 123

64 11 3
                                    

XANDER'S PoV

Tapos na si Uraraka kumain pero ako hindi pa. Gusto ko pang kumain, masarap lang siguro ang pagkain at hindi ko lang mapigilan sa sarap. Sino ba ang nagluto nito?

Pagkatapos eh ako na ang nagligpit. Nahihiya naman kase ako dahil walang magliligpit. Ang laki laki ng bahay wala namang maid. Inipon ko lahat ng huhugasin at inumpisahan na ang paghugas ng piggan. Ingat na ingat ako dahil jusko.. pati plato, marble.

Ilang minuto din yun at natapos nadin ako. Dumeretso ako sa labas at andun si Uraraka, nakaupo sa pool lounge tapos may hawak na baso. Akala ko nung una alak, juice lang pala.

Naupo ako sa katabing lounge. At dun agad sya nagsalita.

"Tell me honestly. Sinabihan mo ba sila kung asan ako??" Sabay tingin sakin.

"Sinabi kong susundan kita dahil nakita kita sa airport pero hindi ko sinabi kung asan."

"That's good enough." Umayos sya ng upo at ininom yung juice. "Pero siguro, dapat kanang umuwi Bakugo. Hahanapin at hahanapin ka ng pamilya mo lalo na ni Jana."

"Eh? Hindi pa nga ako nakakapunta sa may Cardiff Bay eh." Nakangusong sabi ko sakanya.

"Tsk. Ang tigas din ng ulo mo noh??" Sinamaan nya ako ng tingin. "Ano nalang iisipin ng girlfriend mo? Ng mga magulang mo pag nalaman nilanv magkasama tayo?? Sa bahay ko pa??"

"Wala naman tayong ginagawang masama ah. Tsaka, nagtext na ako kay Jana, diba?? Alam naman nila na sinundan kita eh, tsaka alam nilang aalagan mo'ko."

"Ulol."

Mahina akong natawa. "Sige na. Dito nalanv muna ako. Uuwi ako next week. Kasabay mo."

"Bahala ka. Basta itikim mo lang yang bibig mo. Ayos na."

"Hindi nga."

"Mabuti." Tumayo sya at tumingin ulit sakin. "Pumasok kana ulit sa loob at malamig na. Bukas na tayo pumasyal na gusto mong pasyalan."

"Okay!" Tumayo nadin ako at sumunod sa kanya. Sa totoo lang, wala naman palang masama kung kasama ko tong babaeng toh eh. Ayos lang pala syang kasama basta wag mo lang gagalitin ng husto. Mabait din naman kahit kunti, maganda pa yung bahay nya. "Uraraka.. may tanong nga pala ako?"

"Ano?" Lumingon sya nung paakyat na sya sa taas ng hagdan.

"Sa'yo ba talaga tong bahay na toh??"

"Oo nga."

"Yayamanin. May gold kaba dyan?? Pahingi naman."

"Umayos ka nga!" Binilisan nya ang paglalakad hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napailing nalang ako at dumeretso sa kwarto ko.. akin yun. HAHAHA

Pumasok na ako at humiga na sa kama. Pinaandar ko din yung tv at nanood nalang ng netflix. Pinili ko yang maganda, syempre. Kinain ko din yung binili ko kanina sa airport habang nanonood.

~meow~meow~meow

Nangunot ang noo ko ng may narinig akong meow ng pusa na nanggagaling sa labas. Pinatay ko muna ang movie at tumayo bago bumaba at binuksan ang pinto. Bumaba ako ng hagdan at may nakita akong puting pusa dun sa may sala kasama si Uraraka habang nanonood sila ng tv.

Bumaba ako. "Uraraka. Sino yan?" Agad syang lumingon sakin.

"Ba't gising kapa??"

"Kakagising ko lang kaya kanina!" Naupo ako sa kaharap na upuan. Yung tv nila eh parang isang wall na. Parang wall na nga sa laki eh. Basta kaseng laki ng wall ang tv nya. "Hi, sino yan??"

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now