CHAPTER 163

52 2 1
                                    

XANDER's PoV 






HINDI KO sinasadyag magising ng alas dos ng hapon at dun lang talaga ako tuluyang nagising. Nag-gayak nalang ako pagkagising ko at bumaba para kumain dahil nagugutom na ako.

"Oh, mabuti naman at nagising kana." Ani Kuya Xy na nasa sala at may kausap na isang lalaki.  "Kumain kana dun and don't mind me, we were just talking about the wedding."

"Okay." Binati ko lang ang kausap ni Kuya Xy at pumasok na sa kusina at naabutan ko si Aiza kasama ang bago nyang yaya na si Ate Cath. Binati ko si Ate Cath bago lumapit kay Aiza.

"Goodmorning, Baby Aiza." Ani ko at binuhat sya at hinalikan sa pisngi. 

"Morning, Kuya Xander."

Hinayaan ko si Aiza na bumalik sa ginagawa at naupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain at inilagay sa pinggan ko. Mukang sea foods ang lunch dahil yun lang ang nakita ko sa table kaya kumain na ako.

Habang kumakain ay naisipan kong buksan ang phone ko at napakurap ako sa dami ng notifications na pumasok, halos lahat messages. Chineck ko yun isa isa at galing lahat sa gc namin pero may isang message si Jana saakin na nag gogoodmorning pero naisipan kong wag na mag reply.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at lumabas ng bahay kasama si Xanny para ilakad lakad muna sya, hindi pa naman ganun kalaki ang tyan ni Xanny, sakto lang at medyo halata.

"Let's go, Xanny." Sinara ko lang gate at nag umpisa na kaming maglakad-lakad. Mabuti nalang at hindi ganun kainit ngayon hapon at hinding hindi talaga ako lalabas. 

Umabot kami ni Xanny hanggang sa mini park ng village at hindi ganun kadami ang mga taong nakatambay dun ngayon.

Nagtagal din kami sa labas ni Xanny at tsaka namin naisipang bumalik na dahil mukang pagod nadin si Xanny. Pagkabalik ko sa bahay ay sinabi ni Ate Cath saakin na umalis daw si Kuya Xy kasama yung lalaki at si Manang naman ay umalis din dahil inutusan kanina ni Mommy kaya mukang ako, si Ate Cath at si Aiza nalang ang natitira sa bahay, wala din si Ate Xindy.

Pumasok kami ni Xanny sa kwarto ko at agad syang uminom ng tubig nga habang ako ay naligo dahil aalis ako. Nag-aayaya kasi sina Will na gumala ngayon kahit kaninang madaling umaga lang kami naghiwalay.

Malakas talaga ang tama ni Will.

Simpleng t-shirt at maong pants lang ang sinuot ko at rubber shoes tsaka ng ayos ng muka at kumuha ng fanny pack sa loob ng closet ko at dun inilagay lahat ng mga gamit ko at lumabas na. Nagpaalam ako kina Ate Cath at Aiza na aalis na ako.

Nagtext din ako kay Kuya Xy na aalis ako muna at nagreply lang sya nag mag-ingat ako at pumasok na ako sa kotse ko at umalis ng bahay.

Habang nasa daan ay tumawag Dwayne kaya sinagot ko agad.

"Xander, asan kana??"

"On the way nako, bakit??"

"Wala naman, same lang din saakin."

"Sige sige, tawagan mo nalang si Will na malapit na tayo at mukang nakarating na sya."

"Tsk. Excited talaga yun, sige sige."

Pinatay ko ang tawag at binilisang magmaneho hanggang makarating kami sa CLW. Wala namang maisip na iba si Will kung dito mamasyal o baka gusto nya lang talaga makita ang jowa nya na nagtatrabaho sa shop nito.

Nagpark lang ako ng mabilis at bumaba nadin agad at pumasok na sa loob at nagtext din naman sila kung saan kami magkita kita. 

Nakaratig na ako sa harapan ng fountain na nasa second floor ata agad ko silang nakita at mukang ako nalang inaantay.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now