CHAPTERS 133

54 8 4
                                    

CASSANDRA'S PoV

Nagising ako, madilim na sa labas. Hindi na ako nag abalang magtawag ng tao dahil baka tulog na sila pero nakita ko si Mama Firence nasa couch at nakahiga. Inabot ko ang phone ko at binuksan iyun pero agad nangunot ang noo ko ng pagbukas ko ay agad na bumungad saakin ang Email ko.

"Bakit bukas toh?" Takang taka ako bakit bukas toh eh hindi pa ako bumubukas ng Email, ilang araw na. Imposibleng sina Yassy dahil pwede naman nilang buksan ang emal ko through their phones at tska ako lang ang makakabukas ng phone ko kahit si Xy na hacker hindi mabubuksan yan.

Pinilit kong balewalain yun at tumungo sa iMessage para etext si Ruwie. Gusto kong malaman kung pwede na ba akong tumungo dun sa Thailand kung saan ang bahay na pinapagawa ko. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong tumungo ngayon sa Thailand pero bahala na. Baka pwede naman akong bumisita dun kahit ilang araw lang.

Akmang itetext ko na sya ng makaramdam ako ng presensya mula sa labas ng bintana. Hindi ako gumalaw pero yung mata ko nakatutok dun. Ang kurtina na bahagyang nililipad ng hangin, may nakikita akong parang ulo ng to pero pero hindi ako sigurado. Inabot ko ang water bottle na nasa side table at hindi nagdalawang isip na itira yun, dahil sa mabilis na pag tira ng water bottle dun ay gumitna ang kurtina at dun ko nakumperma na tao nga yun.

"Tangina." Usal ko ng makilala ang lalaki. Naupo ako at sinamaan sya ng tingin, nakangiti sya sakin habang hawak hawak ang water bottle dahil nasalp nya iyun. "Bwisit. Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko kay Khanner.

"Halata ba? binabantayan ka." Tumayo sya sa sanga at tumalon papasok sa bintana. "May masakit pa ba sayo?"

"Wala. Bakit ka andyan? kung pumasok ka kaya? Pano kung pana pala yun, edi patay ka??"

Ngumuso sya. Naupo sya sa dulo ng kama. "Pano ako mag sastay dito sa loob eh ang sama ng tingin ng boyfriend mo sakin?" Pinaglaruan nya ang bote. "Mgasasalita palang ako,, ang sama na ng tingin."

Hindi ako sumagot at sinubukang maupo pero agad na pinigilan ako ni Khanner. "Wag mo'kong hawakan, wala ako sa mood ma stress ngayon."

"Wag kang gumalaw ng masyado. Pano kung sumakit ulit ang ulo mo? Mag-aalala ulit kami?"

"Sinabi ko bang mag-alala kayo?? Simpleng sakit hindi magpapabagsak sakin, Khan. " Inalis ko ang hawak nya sa braso ko. "Bala, pana, latigo, bomba hindi nga ako napatay, yang bwisit na sakit pato kaya??"

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Raileyn."

Mahina akong natawa. "Kailan ba ako nakipagbiruan sayo?? Salamat sa pag-aalala pero hindi yan ang kailangan ko ngayon."

Tumayo ako at agad na hinawakan ang IV stand.

"San ka pupunta?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Magbabanyo, sasama ka?"

Ngumiti sya. "Pwede ba?"

Ngumiti din ako. "Pwede. Basta handa kang maiflush sa banyo. Tabi." Sinipa ko ang paa nya at tinulak ang IV stand at tiungo ang banyo. Pumasok ako dun at nag banyo malamang, nag toothbrush at naglinis nadin ako ng muka.

Pagkalabas ko ay wala na si Khanner at gising nadin si Mama Firence. Agad nya akong inalalayan.

"Oh, Thank god, you're awake."

Nahiga ulit ako sa kama. "Kanina kapa ba dito?" Tanong ko habang inaayos nya ang IV stand at ang kumot ko.

"Well, I was here since 4, I guess." 

Napatango ako. "May nangyari ba habang wala ako?"

Kahit hindi nya sabihin, alam kong may nangyari kanina habang wala akong malay. Pano ko nalaman?? Simple lang, halatang halata ang apat na camera na naka install sa mga gilid, may dalawang nakabantay sa labas kahit hindi naman kailangan, tsaka may suot na earpiece si Mama Firence. Ibig sabihin may kausap sya mula kanina. 

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now