CHAPTER 136

59 9 1
                                    

XANDER'S PoV

DAHIL nga baliw na ako ay hindi na ako sumama pa sa kanila nung bibisitahin nila ulit si Uraraka.

'Andun na ako parati.. nakakasawa na.'

Nakahilata nalang ako sa kama ko ngayon ay mag-isang nanonood ng movie sa tv. Kakatapos lang din naming mag dinner pero wala si Ate Xindy, malamang andun sa boyfriend nya.

Psh.

Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng mag ring bigla ang phone ko kaya inabot ko yun at tinignan kung sino man ang tumawag.

Ano nanaman ba ang reklamo nito sa buhay??

Sinagot ko ang tawag ni Will. "Oh??"

"King!! May balita ako sa'yo!" Tsaka sya tumawa ng malakas. "Pero bad news."

"Bad news tapos makatawa ka, akala mo nanalo sa lotto."

"Tss.. wag kang magreklamo dyan."

"Ano na??"

"Diba nga bibisita dapat kami kay Uraraka mo??"

Uraraka nino?!

"Siraulo ka ah! Gusto mo bang mabasag bukas ang muka mo!"

"Manahimik ka, hehehege.. so yun nga."

"Oh tapos??"

"Nasa hospital na kami kaya lang  malayo pa kami eh nadatnan namin yung tatlong kapatid ni Cassey na parang aligaga."

"Bakit daw?" Nakakunot ang noo ko. Inabot ko din yung remote at pi-nause muna yun at umayos ng upo.

"Wala si Cassey nung madatnan namin sa kwarto nya, although andun pa naman yung things nya and everything and guess what.."

"What??"

"Andun si Justin sa loob ng room ni Cassey.. nakaupo lang sa couch."

"Bakit naman—" naalala ko bigla na mag ex pala sila. "Baka nag heart to heart talk silang dalawa??"

"Malay pero dumaan yung dalawang oras, wala padin si Cassey, kahit yung si Jorien hindi din nilan makontak."

"Baka na discharge na? Hindi lang nyo alam??"

"Hindi! Sabi ni Vj hindi pa sya pwedeng lumabas." Bumuntong hininga sya. "Uuwi na nga sana kami nung dumating bigla yung gwapong lalaking bumisita kay Cassey kahapon."

Sya??

"Kahit sya ay nagulat ng malamang wala si Cassey sa bed nya at agad na kinausap si Justin. Medyo nagtagal nga yung talk nila eh  pero hindi na namin inantay syempre,umalis din kami."

"Baka umuwi lang sa bahay nila??"

"Hindi din. Sabi kase nung Craysia, galing daw sya sa mansion ng mga Wilton at wala daw dun si Uraraka mo."

"Tigilan mo nga yan!!"

"Eto naman.. hehehehe."

Napaka-tsk nalang ako ng biglang maalala si Mae. Nawala kanina kase sya, pagkatapos naming mag-usap-usap nun sa cafeteria.

"Si Mae." Sambit. "Wala bang kakaiba sa kanya kanina??"

"Si Baby ko??" Natahimik sya. "Oo nga noh?? Tahimik sya kanina nung dumating kami sa hospital pero para sakin normal lang naman nya yun."

"Pero hindi normal yung hindi sya mag papanic dahil sa hindi nila nakikita yung Uraraka nila."

"Hala!!" Nailayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko sa biglaang sigaw nya.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now