CHAPTER 139

77 9 1
                                    

CASSANDRA'S PoV

WALA talaga kaming magawa kaya napag-isipan nilang tumambay sa field at maupo sa ilalim ng puno.

Naupo ako dun at tumabi naman agad si Mark saakin. Hindi mawala wala sa isip ko yung muka ni Bakugo nung sabihin ni Jana yun.

'Tsk, lumayas kanga sa isip ko!'

Hindi ko alam kung bakit ganun pero hindi talaga mawala sa isip ko yung muka ng bwisit nayun. Halatang nasaktan sya at halatang pinipilit ang sarili na hindi sya yun.

'Halata naman na sya.'

Wala akong kasiguraduhan kung tama yung hinala ko pero mukang magiging tama dahil sa mga theory na nasa isip ko at hindi ko isheshare dahil maramot ako.

"Eart to Cassey."

Napablink ako ng ilang beses bago napatingin kay Mark.

"Ano?"

"Kanina pa kita kinakausap. Hindi ka nakikinig."

"Pasensya na. May iniisip lang."

Akmang bubuka ang bibig nya ng biglang kinuha ni Yassy ang kamay ko na hawak ni Mark.

"Cassey! Kwento ko ba't ka nawala."

"Oo nga!" Dagdag ni Mich at tumabi ng upo kay Yassy. "Magkwento ka naman, Cassey. Kung saan pwede na kaming dumalaw eh na MIA ka naman."

Napatingin ako kay Mae at marahan lang syang tumango. Napakagat ako ng labi ng makitang patungo din dito ang nga kapatid ko at kung sino sino pa.

'Anak ng putek naman.'

Wala akong naging choice kundi ang magkwento pero yung gusto ko lang malaman nila. Ayaw kong pati yung nangyari eh ikwento ko pa. Asa sila.

"Nagpatulong ako kay Mae at Jorien para makaalis ako dahil gusto kong pumunta sa England."

"Bakit??" - Jhasy.

"G-Gusto ko lang magpahangin at mag-isip isip ng payapa at medyo namimiss ko din kase yung lugar."

"Taray. Tinungo ang England para magpahangin at makapag-isip." Si Xindy ko yun kaya ngumiti lang ako sa kanya.

'Pahangin eh medyo nainitan nga ako.'

"Mabilis lang yun dahil jet plane naman yung gamit ko. Kanina nga lang ako nakarating dahil dun nadin ako kumain kasama yung mga kaibigan namin dun."

"Sino?? Gwapo ba??" Si Ica iyun at halatang interesado talaga sya at tumango lang ako.

'Gwapo naman si Qieran.'

"Kababata ni Cris na si Jeon, babae sya at ang Kuya nya na si Qieran. Nagkita kase kami kaya nag- catch up lang kami ng kaunti."

"Gusto ko makita tong si Qieran!"

"Ako din teh!"

"Sino si Qieran, babe??"

Mahina akong natawa at tumango kay Tope. "Totoo, nagkita kami nina Qieran at Jeon."

"Sino si Qieran??" Bumaling ako kay Mark.

"Kaibigan nga namin." Inilabas ko ang phone ko at napangiti ako ng makita ang wallpaper ko. Pinalitan ko kase kanina.

'Masyado akong maganda para hindi i-wallpaper.:

Nasa labas kami ng mall at nagpicture kaming tatlo sa magagadang bushes dun.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now