CHAPTER 161 : CAMPING 12 :

67 1 0
                                    

XANDER'S PoV



HINDI AGAD ako nakagalaw dahil sa gulat hanggang sa hilahin ako ng isa sa kanila. Kung tama ako ay si Maxcynus ang humila saakin o mas kilalang Max, malamang, nickname. 

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tunog ng pagsara ng pintuan. Napatingin ako sa kanilang lahat, kahit ang girlfriend ni Killian ay andito din. Nakangisi pa nga sya saakin. 

Pinalakihan ko sya ng mata at tumawa lang sya ng mahina at inabot ang juice na nasa harapan nya.

Fuck!!! What I am supposed to do??

"Uh—"

"Have you received your invitation card??" Nakangiting tanong ni X na medyo ikinagulat ko.

"Y-Yes."

Dude, don't stutter.

Halatang pinipigilan nyang matawa habang tumatango pa. Tumayo sya bigla kaya parang automatic ang katawan ko at napaatras pa.

"Don't be so scared, honey. Parang lalapit lang naman ako."

"Ano bang kailan nyo?? My girlfriend is waiting for me." Nasabi ko nalang bigla.

"Napag-isipan mo na ba ang offer ko sa'yo?? I have a newly built penthouse, good for a big family."

"Good for a big family pala eh bakit mo sakin iniooffer??"

"Because I've built that thinking you might like it." Ngumiti sya. "Don't worry, I'll give a discount. Complete nadin naman ang mga gamit dun, titira nalang ang kulang."

Bakit ba kase ako?!?!?

"Ayoko. May bahay ako."

"Too bad. I'm giving you a big discount pa naman at malapit pa sa rooftop. It has a very great view as well."

"My Mom would never allow me. "

Ano pabang rason??? Isip, Xander, Isip!

"The room has complete set of mini swimming pool inside panaman. Right, boys?"

"So right." Halos sabay na sagot nila.

Kumunot ang noo ko. Bwisit talaga!

"Kahit na. I'm more comfortable living with my family and I don't even know you guys, bakit ako bibili ng bahay sa inyo?"

"Because I'm trusted??" Patanong panyang sagot. "And my penthouse is highly secured. From top to bottom and we also offer free rides for our guesses and customer. You can pick your ride, limou, BMW, Lamborghini, Ferrari, Tesla— name it."

Parang ang sobra naman.

"I have my own car."

"We also serve our customers with buffet everyday and it's freaking free, diba?"

"True."

"Kaya lagi akong busog eh."

"Tama."

Ano bang gusto nila sakin?? Bwisit talaga.

"Ayo—"

"Wag nyong pilitin kung ayaw." Biglang lumitaw ang boses ni Uraraka na hindi ko alam kung kailan sya pumasok. Kasama nadin nya si Killian. Sumunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa maupo sya sa pang-isahang sofa. "Wag nyong pilitin kung ayaw, kita nyo namang walang pera eh."

Napangiti ako sa inis. "Magkano?? I'll take it." Biglang sabi ko na pati ako ay nagulat.

Patay ka, Xander Hole Myvien.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now