CHAPTER 173

31 2 0
                                    

XANDER'S PoV












ISANG LINGGO NA ANG NAKAKALIPAS at mukang wala nang bulongan, hindi kagaya nung friday at nung monday, puros bulongan tungkol kay Ms. Hakin.

The news spread throughout the campus and it's different from what we've seen and heard. Batay sa kumakalat na balita, malaki daw ang galit ni Ms. Nik kay Ms. Hakin kaya nya 'yun nagawa at nadamay lang si Uraraka at pinaalis ang dalawang guro dito.

Hindi alam nina Will kung ano na ang nangyari sa totoong Ms. Hakin pero alam ko, Camilla kept me updated.

The Dean explained to Ms. Hakin everything and they managed to send Ms. Hakin over abroad to find a new job and of course she got one, Cambridge University.

Nice,

Marami ang nangyari pero kakaunti lang ang alam nila. Ang apat na estudyante na nakakita kay Ms. Hakin kuno na dinala ng mga pulis ay wala daw silang maalala sa nangyari.

Anong nangyari sa kanila?

Iniwasan ni Camilla kase ang tanong ko about sa students na nakakita dun.

Friday na ngayon at busy na ang lahat ng athletes sa pagpapractice dahil next week na ang Interhigh. Excited na nga kami eh. Hindi lang halata.

"Ron! Casper! Keep up the pace!" Sigaw ni Coach. Mabilis namang nag jog ang dalawa.

May pasok pa kami pero 'di naman required saming mga athletes na pumasok kaya hindi na kami pumasok. Maglulunch palang din naman.

"Another two round then proceed to stretching, it's arms day."

Iba ang stretching namin pag arms day. May mga araw talaga kapag may practice kami puro jog at stretching lang at pag conditions sa mga joints namin at ngayon ang araw na 'toh.

And this is also the hardest practice we ever had.

"Stretch it more Mike!" Sigaw ni Coach nanaman pero hindi sya galit.

Hininga at sigaw lang ni Coach ang naririnig sa buong AH.

"Okay! 10 minutes break and let's do bow stretch for 15 minutes."

Gosh,

Nang makaalis si Coach at parang tinorture kami at ibinagsak nalang ang katawan, maliban kay Mae na nanatiling tumayo at kinuha ang tubigan ni Cassey at pinainom sya.

Inuna pa talaga ang alaga,

"J-Jusko, kay Coach ako mamatay eh." Hingal na hingal na sabi ni Mich at sumandal pa kay Mike. Agad namang pinunasan ni Mike si Mich ng pawis.

"Pambihira naman oh!" Sita ko sa kanila at hinagisan pa sila ng towel. Tumawa lang ng malakas si Mike.

"'Wag ka ngang magulo!" Sita ni Mae kay Will na akmang pupunasan din sya.

"Pawis na pawis ka na oh."

"Alam ko."

Ohh,

"Dun kana sa jowa mo, baka magtampo 'yan." Sabi ni Uraraka habang nakapikit at nakasandal sa balikat ni Yassy.

"Psh, I'm not done wiping your sweat."

"Para namang mawawala 'yan." Sarkastikong sabi ni Uraraka.

Inubos namin ang 10 minutes break sa pag-inom ng tubig at pagpunas ng pawis at ng makabalik si Coach ay sinimulan na agad namin ang bow stretching.

ALAS DOS NA KAMI nakatapos sa pinapagawa ni Coach.

"Good job guys, kumain na muna kayo at bumalik kayo dito ng mga—" Tumingin si Coach sa wall clock. "5."

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now