CHAPTER 125

55 9 0
                                    

XANDER'S PoV

Matapos kong gamutin ang sarili ko eh dun ako pumwesto sa harap ng glass wall. Hindi naman gaano kasakit na dahil nagamot ko na.

"Maliligo sya?" Wala sa sariling tanong ko ng makitang tumalon si Uraraka sa pool. Napataas ang isang kilay ko nang makita ang suot nya. "Naks ah."

Napagdesisyunan kong mag-ayos nalang ng gamit ko. Yung duffle bag ko na inayos ko lang at niready ko din yung susuotin ko para bukas.


Maaga palang eh nagising na ko, excited lang siguro. Naligo na ako at nagbihis nadin, puting polo tapos pantalon lang at yung sapatos ko. Sinuklay ko lang din yung buhok ko at sinuot na muli ang kwentas ko at earrings nadin.. yung maliit lang. Trip trip lang. Nagpabango lang ako at kinuha na yung mga gamit ko at bumaba.

Tapos nadin akong kumain kanina kasama si Uraraka at mukang daldalhin nalang namin yung ibang natitirang mga pagkain sa snacks area nya.

"Uraraka.. ako nalang ang bahala dito sa snacks." Kumuha ako ng dalawang malalaking tote na ibinigay nya.

'May tatak Louis Vuitton.'

Humarap sya sakin at mukang nakaayos nadin sya. Mukang dadaan pa sya sa runaway ng Gucci dahil sa suot nya, pulang fitted top na Gucci, jeans na Gucci, sapatos na Gucci, denim jacket na Gucci, hand bag na Gucci, shades na Gucci, mask na Gucci pero di pa nya suot, pantali ma Gucci, half lang ng buhok nya yung tali, earrings na Gucci, open bangle na Gucci at tipped na Gucci, bracelet yun ah. May tatlong rings din sya tapos iba't ibang brand, ang nag-iba lang siguro eh yung kwentas nyang CLW pero layered eh, may kasamang Gucci.

"Sa airport ba talaga ang punta mo??"

"Bakit??" Tumingin sya sa suot. "Masama ba yung suot ko??"

"Hindi naman pero muka kang Gucci."

"Tsk. Dun ka nga at asikasuhin mo yung pasalubong mo sa kanila." Tumagilid sya kaya kitang kita ko yung tenga nya sa kanan, madami pala syang piercing pero di lahat may earrings.

"Sige. Ubusin ko ba?"

Tumingin sya sakin. "Kung magkasya.*

"Sige."

Dali dali kong tinungo ang snacks area nya at binuksan ang isang tote bag. Naglagay ako dun ng lahat mg klaseng chips, iba't iba syempre, may nasa lata, sa paper bag na sealed, sa may plastic at kung ano ano pa. Na ng napuno na ang isang tote bag ay sinunod ko na ang isa at puro tsokolate naman, halos lahat walang ganito sa pilipinas at halatang mamahalin din dahil sa uri ng balot o kaya ng itsura. Marami rami din ang nailagay ko sa tote bag bago ako bumalik dun kay Uraraka.

May pumasok biglang dalawa lalaki'ng nakaitim at naka shades. Kinuha nila yung mga gamit namin pati yung tote bag.

"Let's go." Aya ni Uraraka kaya sumunod na ako. Wala akong dala kung hindi yung fanny pack ko lang. Hawak hawak ko din ang phone ko at baka may tumawag nalang sakin bigla.

"Pwede ko bang tawagan sina Kuya Xy??" Tanong ko kay Uraraka. Huminto naman sya sa paglalakad.

"Edi tawagan mo."

"Okay."

Huminto muna ako sa paglalakad at tinawagan ang numero ni Kuya Xy. Ilang rings lang yun at may sumagot na.

"Hello?? Kuya?"

"Xander.. napatawag ka??"

'Luh? Parang hindi aki umalis ah.'

"Ano.. papasundo sana ako sa airport. Pauwi na kase kami."

"Ang bilis naman?? Wala pang isang linggo ah." Ramdam ko ang pagtataka sa tono nya.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now