CHAPTER 180 : VI - INTERHIGH: ( THREAT? )

97 3 2
                                    

CASSANDRA'S PoV

LUMABAS AKO NG KWARTO at hinarangan agad ang babae. Wala akong magawa kaya ito nalang.

Agad na kumunot ang noo nya. "You're Uraraka, right?"

Ang arte naman,

"Kinda."

"Oh god, is Xander here?" Hindi mapuknat ang ngiti nung babae. Ni pagpapakilala ay hindi ginawa.

Bahagya akong tumingin sa bintana at sinenyasan ko gamit mata sina Yassy at palihim silang napatango. Agad nilang hinarangan ang bintana gamit ang mga katawan nila.

"Xander? Who?" Pagkukunwari ko pa.

Ba't ko ba 'toh ginagawa?

"You know? Xander?? Who plays archery? The grandson of the VIU Dean?"

"Wala eh, he already went home. He wasn't feeling well."

"You're lying?? I just saw him enter the room earlier."

"Eh ba't hindi mo kaagad sinundan?"

"What?"

"Wala, umuwi na nga."

"Miss—or whatever your name is, I'm here to take what's mine at pwede ba, hindi naman ikaw ang girlfriend kaya umalis ka dyan."

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. "Kailan ba naging bagay si Bakugo para angkinin mo?"

"Who?!"

"Kita mo na," Bumuntong hininga ako. "At saka pano kanaman nakakasigurado na buong pursyento pumayag si Jana sa pustahan nyo?"

Suminghal sya. "What the hell are you talking about? I don't know what you're talking about."

"Do you, now?"

"Ah! Tumabi ka na nga!"

"This is a private area for archers only, are you an archer?"

"No! But I'm an athlete."

"Anong connect nun? Bumalik kanalang kung sigurado kana at seryoso si Jana nung pumayag sya sa pustahan nyo dahil hindi mo magugustuhan ang gulo na gagawin ni Jana kapag nag-pumilit kapa dito."

Eh wala nga dito si Jana eh,

"Again, I'm not knowledgeable about this— about the thing thay you're saying! What kind of bet is that?!"

"Baka ipakain ko sa'yo ang bola?? Natatakot ka 'noh?"

"Afraid of what?"

"Na sabihin ko sa Deans ang ginawa mo." Tinaasan ko sya ng dalawang kilay. "Yes, madadamay ang school natin pareho pero at least hindi mo makukuha ang gusto mo."

"Are you threatening me?"

"Oh no." Umiling ako. "I'm warning you."

"Isn't that the same thing?!"

"Tanga, anong pareho?? Umalis kana, nakakasira ka ng araw eh."

"Sino kaba?! Ikaw ba ang jowa nya—" Napahinto sya bigla kaya tinaasan ko sya ng isang kilay. "Omyghod, are you his mistress?"

"Mistress?? Tanga kaba o bobo lang?"

"Kaya ayaw mo akong papasukin dahil hindi lang si Jana ang manghihiyang, ikaw din pala." Ngumisi sya saakin. "Paano kaya kung sabihin kong may affair kayo ni Xander kay Jana?"

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now