CHAPTER 155 : CAMPING 06 :

72 6 1
                                    

XANDER'S PoV



WAS THAT A DREAM?? Nagising ako ng alas quatro at agad na naalala ko ay tunog ng helicopter.

'Baka panaginip.'

Bumangon na ako at lumabas para maghilamos. Gising nadin ang ilan saamin kaya medyo hindi ako takot na gumalaw.

'That scene last night is still lingering in me. Talk about creeps.'

I brushed my teeth and gums before washing my face again but with a different soap. Maarte lang siguro ako.

"Morning." Bati ni Dwayne at Mike na mukang kakatapos lang ding mag toothbrush.

"Morning."

"Still fighting with Jana??" Biglaang tanong ni Dwayne. Umiwas ko ng tingin. "Was that a yes or no?'

"He looked away. That was a yes." Sagot ni Mike.

Napa tsk ako. "Kung kayo ba ang girlfriend ko, kunwari lang- wag kang tumawa Dwayne, sasapakin kita."

"Sorry. Continue."

"If you were my girlfriend. Magagalit o magseselos ba kayo sa babaeng parang kaaway ng buong mundo at kaaway ko??"

"Huh?"

"What now??"

"I mean, magseselos ba kayo sa babaeng lagi akong binibwisit?? Halos lahat ng mura ay lalabas na?? Walang ginawa kundi ang magyabang??"

Bigla silang dalawa bigla at sabay ding ibinalik ang tingin saakin.

"You mean Cassey?"

Umikot ang mata ko. "Yeah. Her."

"Hindi."

"Depende."

Napatingin ako kay Dwayne. "What do you mean by that??"

"I mean, if you two were arguing and when I notice it, and when I find it flirty, then I'll get jealous. Depende kase sa perspective ng tumitingin sa inyo."

"So, you mean stay is... Jana's jealous because we argue??"

"I don't know. Isa rin siguro sa rason kung bakit sya nagseselos sa inyo ni Cassey kahit wala naman dapat, eh baka nakikita nyang mas bagay kayong dalawa at natatakot syang marealize mo yun at iwan mo sya."

Napanganga ako sa sinabi nya. Napatingin ako kay Mike at tuma-tango pa.

'Hindi ko ata kayang tanggapin yun?'

"Eh panu naman yung panay sabi ko na ayaw ko sa kanya??? At hindi ko lang sinasabi ko, ginagawa ko din. I hate Uraraka the way Jana hates her. Obvious naman sigurong hindi kami magkasundo ni Uraraka diba??? I mean, c'mon."

"Iba't iba tayong perspective, Xander. Kung yun ang sinabi ni Jana habang nakatingin sa inyong dalawa, yun yun. Kung nagseselos sya, nagseselos sya. Hindi nya yun maitatanggi sa sarili nya. Mahal ka nya eh."

"And I love her too. Handa naman akong gawin lahat para wag lang syang magselos dahil hindi magandang tignan."

"Alam mo kase-" ani Mike. "-labas na kami dyan, bakit ba kami tinatanong mo??"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Mike na tumawa lang.

"Pano mo naman yung hindi nya kayang magpasalamat kahit niligtas ulit ni Uraraka ang buhay ni nya?? Ganun ba talaga ka taas ang pride ng mga babae??"

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now