CHAPTER 169

33 3 0
                                    

YASSY's PoV











ANG BILIS NG ARAW 'NOH?? kahapon nag-practice kami, at ngayon rest naman namin ulit tapos bukas balik klase na kami.

Break muna, pwede??

"Anong muka yan?" Jb out my tea mug in front of me, bongga english.

"Wala, naiinip ako."

"Why?? Don't tell me kulang pa ang practice nyo?"

"Hindi naman, parang bored ako na parang hindi."

Malaki ang circle of friends namin pero hindi din naman maiiwasan ang trio trio o duo duo and in our case, the six of us have our own duos like Me and Jb, Mae and Franvis and Cassey and Vj tapos iikot like Vj and Mae, Cassey and Me and Jb and Franvis.

Ba't ko ba kinukwento yan?

"May pasok nanaman bukas." Sabi bigla ni Jb at tinanaw ang magandang tanawin sa bagong bahay namin. Nasa likod kami ng bahay at binabantayan sina Ranungulus at Petunia na naglalaro sa labas ng man-made-cave nila.

"You kno what?? Hindi talaga sumagi sa isip ko na makakapag-aral tayo ulit, like not even a touch of it, 'di ko talaga inexpect na papasok tayo ng school."

"You're right. It's like we were born to do this and that." Pagsang-ayon ni Jb saakin. "But we are one lucky people."

"I know, I'm happy and I'm happy to be this lucky."

"Hindi lang ikaw, we feel the same."

"Nga pala, nag text naba si Daisy sa'yo?? Sabi nya gusto daw nyang makipag lunch kasama natin." Bumaling ako ng tingin kay Jb at he nodded.

"Oh yeah, treat daw nya dahil sa kakakuha nya lang ng pera galing sa online work nya."

"Naks naman, saan daw tayo kakain?"

"She wanted to try thai or maybe japanese food."

"Good choice, kasama ba nya ang kakambal nya— not that ayaw ko sa kanya."

"You sounded so bitter but no, Mark has some errands to do and she'll meet us at 11 am."

Napatingin ako sa relo ko. "It's already 9, I have to change." Mabilis na sabi ko at pinapasok na sa loob ng man-made-cave sina Ranungulus at Petunia at nagmamadaling pumasok sa loob.

Pinindot ko kaagad ang botton na malapit sa pintuan upang maactive ang bawat speaker ng bawat kwarto.

"Lunch. 11 am. Daisy's treat. CLW." Sabi ko nalang at nagmamadaling umakyat at nagtungo sa kwarto ko.

Kailangan kong magmadali dahil saaming lahat, ako ang pinakamatagal gumalaw, as in.

Hindi na ako naligo dahil kakaligo ko lang pagka gising ko, agad lang akong nagbihis ng damit. Silk top at high-waisted denim pants at sapatos. I just curled my hair at do my make-up.

After kong mag-ayos ay sinunod ko ang bag na dadalhin ko ag 'tsaka ako umakyat sa kwarto ni Cassey para icheck sya.

"Cassey?? Asan ka??"

"I'm in the bathroom!" Nadinig ko si Cassey na nasa loob ng banyo, malamang, kakasabi nya lang.

"Okay!"

Pumasok ako sa kwarto nya at pinilian na lang sya ng damit. I chose a matching set, polo type ang top pero tatatlo lang ang butones sa taas at short, 'yung sakto lang ang liit. Madala si Cassey ang namimili ng sapatos nya pero kinuha ko nalang ang white sneakers nya para hindi na sya mahirapan.

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now