CHAPTER 156 : CAMPING 07 :

70 5 4
                                    

CASSANDRA'S PoV



NAGISING AKO DAHIL SA INGAY. Napangiwi agad ako ng bumalatay ang sakit sa braso ko pero pinilit kong bumangon.

Kinuha ko ang phone ko at alasais na. Napa tsk ako bago lumabas ng tent. Binati ako ni Mark at ngumiti lang ako sa kanya.

"Sabay na tayong maligo, Cass." Bungad ni Mae at Yassy saakin kaya tumango ako.

Nag toothbrush ako bago tinggap ang alok na choco milk ni Tine.

"Thanks." Mahinang sabi ko.

"You look terrible. Go take a bath."

"Hmmm." Inubos ko muna ang iniinom ko at sumama kina Mae. Ng makarating sa banyo ng Archery hall ay hindi ko sila pinapasok sa shower room.

'Tsk. Ang sakit, bwisit.'

Dahan dahan akong naghubad at naligo. Kumikirot pa yung sugat at nung tignan ko ay halos kulay purple na.

'Fuck. I don't like purple.'

Ng matapos ako ay ako lang din ang nagbihis. Kulay light blue ngayon ang uniform namin na tshirt. Nagpalda lang din ako.

"Maupo ka dito. Ako na maglalagay ng sapatos mo." Ani Yassy. Naupo ako at habang sinusuotan ako ni Yassy ng sapatos ay tinutuyo naman ni Mae ang buhok ko.

Buong lakas ko talagang hindi ipinakita na may masakit saakin. Marunong akong umarte pero bakit kakaiba ang sakit nato ngayon?? Bwisit naman.

Natapos na kami at kaunti lang din ang nakain ko. Habang nagliligpit sila ay pumasok naman ako sa loob para palitan ang suot na bra ng benda dahil masakit ang dibdib ko at para nadin mabendahan ko ang sugat ko.

"Bwisit na bala yun."

Ng matapos ay nagbihis na ako. Nag stay lang ako dun sa loob dahil parang ayaw kong gumalaw.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay maayos naman ang muka ko. Hindi naman ako maputla.

"Oa tong braso ko."

Kulang na kulang ang tulog ko. Tsk. Lumabas ako at naupo sa sofa. Hindi ako komportable kaya tumingala naman ako at pumikit ng maramdaman kong may nakatingin saakin.

'Tsk.'

Naramdaman ko bigla ang paglapit ni Vj.

"You look uneasy to me. Are you okay?"

"Hmm. Inaantok lang."

"Sigurado ka??"

"Oo nga."

"Sige. Dito kanalang muna."

"Hmmm."

Nag stay ako sa ganung position ng maramdaman kong naninikip ang dibdib at leeg ko. Triny kong lumunok pero masyadong matigas ang lalamunan ko.

Nakarinig ako bigla ng ilang kumosyon sa paligid ko at agad na lumapit saamin.

Isang tanong isang sagot ang nangyari saamin ni Vj hanggang sa tumayo na ako.

"I can move. Don't touch me." Ani ko. Nakakatayo naman ako ng maayos. Kalmado na sabi ko. "Kulang lang ako sa tulog." Pagdahilan ko.

Narinig kong bumuntong hininga si Vj. "Ikaw lang ang kilala kong ganyan ang rason. You're not hot means you don't have a fever."

"See. I'm fine."

"I'm a doctor and this is my first time seeing a black veins." Matigas at seryosong sabi ni Vj. "Just tell me what happened and we'll fix this."

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now