CHAPTER 178 : IV - INTERHIGH: ( THEM TOGETHER)

42 2 0
                                    

CASSANDRA'S PoV









HINDI KO ALAM GANITO pala ang consequences kapag natalo ka sa isang laro. Kanina pa ako nakakarinig ng mga bulongan sa paligid ko eh.

Alas quatro na at nanonood kami ngayon ng soccer. VIU vs. RHS o Rizal High School. Lamang ng isang puntos ang RHS pero hindi pa naman tapos ang first half.

Isa pang bulong, subukan nyo,

May mga estudyante kase sa itaas namin na panay ang bulongan na kesyo daw ang tanga ko maglaro at ang masama pa, taga VIU at DPU sila.

"Ang oa ng mga supporters mo, Cassey ah," Sarkastikong bulong ni Jhasy. "Sila kaya maglaro,"

"Hayaan mo na, normal lang 'yan." Bulong ko pabalik. "They usually think that I was a bad player because of what they saw."

"Oo nga eh,"

"Cassey, pag hindi tumigil ang mga panget mong haters, sila ang tatamaan ng bola!"

Napapikit ako bigla sa biglaang pagsigaw ni Yassy kaya napatingin sa kanya ang mga ilang nakaupo malapit saamin.

"Excuse me?! Did you just call us panget??!"

"Ay? Natamaan ka?"

"Yassy," Mahinang tawag ni Ron.

"Ang chachaka nyo, kayo kaya maglaro dun!"

"Pwede ba, Yassy? Masyado kang defensive, halatang totoo ang mga sinasabi namin." Inikutan pa ng mata ng babae si Yassy.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Yassy, feeling ko ang panget panget nga pangalan ko kapag ikaw nagsabi!"

Hindi nakasagot ang mga babae kaya hinila ko na paupo si Yassy. Sya pa ang naapektuhan, nako naman.

"Ba't kase sumali-sali pa 'yang si Uraraka eh, talo tuloy."

Sino ba'toh ay aabangan ko mamaya sa gate,

Natapos ang laro at panalo ang VIU ng dalawang puntos. Unti-unti nading nagsi-alisan ang mga tao at sumunod din kami.

Dumaan kami sa bulletin board at tinigan kung may laro kami at meron nga, dalawa sa hapon na magkasunod, kalaban ang BIU at SIU at isa ako sa lalaro bukas.

Mauuna sina Yassy, Will at Ron at kasunod naman ay Ako, Casper at Bakugo. Nagkatinginan kami ni Bakugo pero agad din syang umiwas, hindi ko mapigilang ngumisi.

Nagpaalam nadin kami pagkatapos naming mag-meeting ng mabilis.

"Wilton, maaasahan naba kita bukas?"

Ngumiti ako kay Coach. "You can bet on me now, Coach."

"That's what I wanted to hear." Nag-fist bump kami ni Coach at nagsialisan na.

"Bye Guys! Kita nalang tayo bukas!"

"Byeeee!"

"Ingat sa pagdadrive!"

Sumakay na kami at nagsi-alisan din. Tumabi saakin si Cris at nahiga sa lap ko, mukang napagod.

"Manonood paba kayo bukas?" Tanong ko sa kanila at agad silang nagsitango, lalong lalo na si Tine kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Of course, hindi lang siguro kami kasing aga nyo pero dadating kami."

"Sasabay kami kina Vj pag-alis para isang sasakyan nalang."

Nasa kabilang sasakyan sina Vj at kaming lima lang dito sa van, kasama si Yamin. Sya ang driver ngayon.

"How about Lucas and Din?"

I'm Inlove With A Princess | Season Two|Where stories live. Discover now