Prologue

3.5K 86 15
                                    

Hello! Thank you kung nagbabasa man kayo nito! 🥰

__

"CHANINA! Ayusin mo nga iyang trabaho mo!" 

Napapitlag si Chanina sa sigaw ng kanyang Lola Constancia. Mas kumunot ang noo nito saka maasim ang mukhang nakatingin sa kanya. Ngumiti na lamang siya at nagkamot ng ulo, pinagpatuloy ang paglalagay ng mga bingka sa dahon ng saging. "Nasa TV na naman ang tingin mo, paano tayo mapapadali niyan kung wala ka na naman sa katinuan. Samuel, tapusin niyo na iyang pinapanuod ninyo!"

"Lola naman! Hindi pa nga kumalahati eh!" sigaw ng pinsan niya na nakatutok nang mariin sa TV kasama ang iba pa niyang maliliit na pinsan. Nagmo-movie marathon ng mga ito. Kasalukuyan nilang pinapanuod ang Galaxy Heroes: End of the War. Kung gusto ito ng mga pinsan niya ay gusto rin ni Chanina na mapanuod ang pelikula.

Paulit-ulit na lang silang magpipinsan sa panunuod ng Galaxy Heroes dahil nandoon ang mga paboritong superheroes ng mga ito, gaya niya. Kaya lang, iyong villain ng movie ang inaantay niya parati.

Iyong si Alastor ang kinahuhumalingan niyang karakter sa palabas. Hindi naman dahil sa kagwapuhan at kakisigan ng lalaki kundi ang galing nito sa pag-acting. Nakadagdag iyon sa nag-uumapaw nitong sex appeal. Sa bawat labas nito sa mga Galaxy Heroes movies ay tumatalon ang puso niya kapag nakikita ang lalaki. She was her ultimate celebrity crush. 

Iyong tipo ng paghanga na kahit sa panaginip ay nandoon ito, minamahal siya. Pero char! Kumikinang lang talaga ang magandang katawan ni Nicco na kay sarap haplusin. Huwag na pa-inosente!

"Sorry, 'La," paumanhin niya saka humalakhak para gumaan naman ang nakakabigat na paligid. Umirap ang kanyang Lola.

Nakakabaliw nga talaga iyong si Nicco Alexanders, ang screenname ng actor na gumanap kay Alastor. Nicco Alexanders was a Hollywood superstar. He was British-American or something for almost thirty-two years of his life. He had a big mansion in Miami, Florida. Ex-girlfriend niya ang isang pinakasakit ng pop Hollywood singer and he was currently single for six years after Ava Smith. 

May tatlo itong pusa na ang pangalan ay Aphrodite, Psyche and Apollo. Iyong dalawa naman nitong husky na aso ay may pangalan na Sirius at Aquila.

She had many crushes before in school or in the neighborhood, tila'y hindi nawawala ang kahibangan niya kay Nicco. Nagkakagusto siya sa mga lalaki, bilang normal lang iyon sa babae, pero kay Nicco niya na-imagine ang sarili niyang umiibig. Isang panaginip na kay imposible talagang mangyari.

She was typical girl loving a celebrity from a far. At hinahayaan niya lang ang sarili na mababaliw sa isang artista dahil alam naman niyang talaga na hindi magkakatotoo ang lahat.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mga posters ng lalaki sa kanyang kwarto. Ang mga pirated DVDs ng mga movies ni Nicco Alexanders na kino-collect niya para pandagdag dekorasyon sa kanyang kwarto dito sa bahay ng lola niya. Iyong mga libro niyang mga mga stickers ng solo movie nito.

Dahil sa pananaginip niya ng gising ay tinampal siya ng kanyang Lola. Muntikan na siyang mapaso sa mainit na bingka na nasa mesa. "Lola naman!" haplos niya sa kanyang braso.

"Tigil mo 'yang mga iniisip mo, Chanina."

"Wala naman akong iniisip, 'La, ha."

"Minsan nagpapasalamat ako na sa mga artista ka nagkakagusto kaysa sa mga lalaki sa paligid. Ang lambot mong paibigin, naku! Iyan ang ikakabagsak mo, Chanina."

"Hindi ka dapat matakot sa akin, Lola," tawa niya sabay iling-iling. Maldita nga ang Lola niya pero masyado siya nitong mahal na palagi siya nitong sinasabihan na "kapag may lalaking manliligaw sa'yo, kilalanin mo ng husto at baka sa isang hamak na pag-ibig ka lamang babagsak." At paano naman may magkakagusto sa kanya, aber?

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon