Chapter 2- Memories

1.4K 62 11
                                    

Thank you for supporting this story! I highly appreciate it! And happy 12K followers!

_

DUMILAT ang mga mata ni Chanina nang makaamoy ng bango ng white flower, saka nilalamig siya sa malakas na ihip ng hangin na para bang tumabi na sa kanya ang electric fan at naka-pindot ang four.

Isang magaan na sandali at napangiti pa siya dahil sa ginhawa nang makita ang Tatay Gerome niya na nagpapaypay sa kanya habang dinudutdot sa kanyang ilong ang bibig ng maliit na bote ng white flower.

"Panaginip lang talaga lahat," suntok niya sa kanyang dibdib. Masaya naman ang makita nang personal si Nicco pero kay imposible naman ng bagay na nandito ito sa bahay nila. Tsaka Kulas? Nagbibiro ba ang tatay niya? Kulas talaga?!

"Chandra, ayos ka na ba?" iyong Tatay niya ay halata pa rin ang pag-aalala.

"Ayos na ayos, Tay. Natutulog ako tapos nagising. Iyon lang po 'yon," saka naalala na naman niya ang eksena na nandito daw si Nicco. Alam naman niyang sobrang mahal at iniidolo niya si Nicco pero hindi na niya gusto ang sarili niya na nagha-hallucinate na siya na niyayakap niya pa ito.

"Hindi ka natulog. Itong bata ito!" bagsak nito sa abaniko sa hita niya. "Nahimatay ka pagkakita kay Kulas! Tapos yakap yakap mo pa siya ah! Close kayo? Ang rupok mo talaga sa mga gwapo, Chandra! Di ka na natuto!"

Ano? Medyo sumakit ang bungo niya dahil sa pinagsisigaw ng Tatay niya. Hindi siya marupok sa mga gwapo pero kung si Nicco, baka luluhod talaga siya at dadapa. Char...anyways, may delikadisa pa naman siya. Kahit maghubad si Nicco sa harap niya, kahit magtuwalya lang 'yan...hindi siya bibigay. Pero kung magmakaawa ito, why not?

Tangina mo, Chanina. Walang magmamakaawa sa'yo, ulol!

Hinilot niya ang kanyang sentido saka tumango. "Iyang Kulas na pinagmamalaki mo, Tay, nagparetoke ba 'yan? Kuhang-kuha niya ang  mukha ni Nicco ha."

"Tumahimik ka nga diyan sa kaka-Nicco mo, Chandra! Kanina lang sinabi mong nanaginip ka tapos ngayon sinasabi mo namang nagparetoke!" niyugyog siya ulit ng Tatay niya at pinirme siya sa kanyang kinatatayuan. Mahigpit ang hawak sa kanyang mga balikat.

"Makinig ka ng mabuti sa akin, anak. Si Kulas ay totoo. Hindi mo panaginip ito. Hindi ka maniniwala sa akin, pero nakita ko siyang nakalutang sa laot nang nangisda ako. Eh, hindi ko alam kung saan siya nanggaling kasi wala namang bagyo sa mga oras na iyon. Humihinga pa. Nandiyan pa nga ang kanyang life jacket eh. Eh sa pakiwari ko'y baka nalasing lang siya o kung ano ba at hindi na nakita ng mga kasamahan niya. Dinala ko siya sa bahay at binigyan ng paunang lunas."

Life jacket? Totoo ba ito? Mga ilang segundo siyang hindi naksagot kaya kailangan pa siyang yugyugin ulit ng tatay niya. Naguguluhan siya.  Mas lalo yata siyang mababaliw dahil sa kakayugyog ng Tatay niya.

"Hindi mo siya dinala sa infirmary, Tay? O sinabi sa mga awtoridad?" tangina, huwag sa mga pulis! Isa sa mga suspects ngayon si Nicco sa pagkamatay ng mga crews at kapitan.

Umiling ang Tatay niya. "Mga alas sais ko siyang nakita kaya dahil sa pagkataranta ay sa bahay ko na dinala. Lumapit ako kay Bernard. Iyong kaibigan mo sa high school. Di ba, nursing kinuha 'non. Pati siya ay ganoon din nang reaksyon kagaya mo nang makita si Kulas. Nanginginig pa nga itong ginamot ang sugat sa ulo ni Kulas."

Nakakarindi talaga ang pangalan na binigay ni Tatay kay Nicco. Kulas talaga? Sige, seryoso naman ang usapan eh. Pagbigyan.

"Ano po sabi ni Bernard?"

"Eh tawag daw kita para makauwi. Noong gabing iyon, desido pa si Bernard na sabihin sa mga pulis ang nangyari o mga awtoridad dahil kilala niya raw si Kulas. Sinabi ko na, bukas na lang dahil gabi na at kailangan ni Kulas ng pahinga. Eh pagkatanghali, dumating siya na huwag na daw sabihin sa mga pulis at itago ko raw si Kulas. Paparito daw si Bernard ngayon para pag-usapan niyo kung ano ang gagawin sa kanya."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon