Chapter 13 - Not Just A Fan Girl

1.2K 62 23
                                    

Thank you so much for reading this story. I dedicated this to those who have been waiting for an update. 🤗 If you have time, kindly recommend this series to your Wattpader friends. Thank you!

Unedited. Beware of typos and grammatical errors. 
__

"HAPPY BIRTHDAY, Ate Chandra!" pagabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay nasa harapan nito ang kanyang maliliit na pinsan kasama si Gina na siyang may hawak ng isang maliit na chiffon cake. Nakatusok ang isang kandila.

"Alam kong hindi ka nag-se-celebrate ng birthday, Ate pero naisipan namin nila Samuel na bilhan ka ng cake. Gumising kami ng maaga para kunin ito sa bakery!"

Kumurap-kurap siya. Tinitigan niya isa isa ang kanyang mga pinsan. She hated her birthday since she was ten years old. Iyon din kasi ang araw na nagmakaawa siya sa kanyang Mama na huwag umalis, na huwag silang iwan. Para sa isang musmos na gaya niya, hindi niya kayang tanggapin iyon. That day left an unhealed mark inside her heart.

Sa mga sumunod na taon ay wala na siyang gana na isipin ang kanyang birthday. Sa pagkasalimuot ng araw na iyon ay tila nakalimutan din iyon ng Tatay niya. She felt she need not to celebrate it anyway. Ganoon din naman ang Tatay niya. Siya na rin nagsabi rito na hindi niya gusto na mag-celebrate kapag birthday niya.

Pero sige na nga, kahit ngayon na lang. She didn't want to erase the smiles of her little cousins and Gina's. Pwede namang e-celebrate niya ang pagkapanalo kagabi.

Think positive lang dapat tayo ngayon 'cause it's Sunday.

"Ate, kahit ngayon lang."

Medyo gulat lang talaga siya dahil hindi talaga niya dama ang mag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Ngumiti na siya ng matamis sa kanyang mga pinsan na nagpabalik sa mga medyo nawalang mga ngiti ng mga ito.

"Maraming salamat sa inyo," yumuko siya ng konti para maglevel sila 'nong hawak na cake ni Gina, at hinipan ang kandila.

"Yay!" palakpakan ng mga ito.

"Magluluto si Lola ng paborito mong pansit, Ate," ani Loysa na agad niyang ginulo ang buhok. Alam ng Lola niya na ayaw niyang maging espesyal ang araw na ganito pero walang palya ang Lola niya na maghain ng pansit kada-birthday niya kahit hindi nito sinasabi na para sa kanya 'yon.

"Siya. Ilagay niyo muna sa ref 'yan cake. Pagkatapos ay magbihis kayo at isasama ko kayo sa pagsisimba. Laban ba?"

"Talaga, Ate?!"

"Kasama rin ba si Kuya Nicco, Ate?"

"Yayain mo, Ate! The more, the merrier!"

"Oo nga. Dali na. Hihintayin ko kayo. Akin na nga 'yan," kinuha niya kay Gina ang chiffon cake, tinitigan iyon. Itong mga bata talagang ito, oo. Papaiyakin pa siya. "Magbihis na kayo."

Nakaka-touch naman pala ang ma-sorpresa sa birthday. Kahit simple lang, pero na-a-appreciate niya. Babaliwalain niya ang masamang aalala na naranasan niya sa ganitong petsa ng buwan. Baliktarin man niya ang mundo, masakit man at malungkot pero hindi na magbabago na iniwan na sila ng Mama niya.

Pagkadating niya sa kusina ay nilapag niya sa mesa ang cake at ang kanyang cellphone. Nagkakape ang Tatay niya habang may hawak na newspaper. Magmano siya rito at nilapitan ang Lola niya na nagtitimpla ng gatas. Yumakap siya rito. "Magandang umaga sa inyo."

"Ano, Chandra? Ayaw mo pa rin?" Si Lola na umupo na, kumuha ng slice bread sa pinggan na nasa gitna.

"Ng ano Lola?"

"Magdiwang para sa birthday mo. Ilang taon na bang puro tayo pansit sa kaarawan mo. Maiba naman. Dagdagan na natin ng ibang putahe."

"Lola, gastos lang 'yon. Saka anong masama sa pansit mo, Lola eh sobrang sarap nga."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon