Chapter 10 - Together

1.1K 60 19
                                    

Thank you for always waiting! Beware of typos and grammar errors.

--

"CHERRY Fabroa and Harold Antolin," paunang sabi ng isa sa mga private investigators ni Maric. Nicco was looking at their pictures madly and their suspicious background information. "Sa mga nakalap ko po ay silang dalawa ang nakakita kay Ms. Chandra kagabi. At sa bahay ng Cherry dinala si Ms. Chandra."

"Hindi mo ba nalaman kung ano ang nangyari kay Chandra before this Cherry and Harold saw her?" tanong niya sa harap kung saan nakaupo sa passenger seat ang investigator habang nasa driver's seat si Maric.

Kasalukuyan nilang hinihintay si Chandra at si Kuya Gerome na nasa loob ng police station para kunan ng statement sa nangyaring murder noong isang gabi.

Hindi natuloy kagabi dahil bigla na lang nawalan ng malay si Chandra. Nicco was curios in negative way of what had happened to her. Hindi na siya naniniwala na problema lang nito ang internship. May masamang nangyari dito sa gabing iyon.

"Nag-audition po si Ms. Chandra kahapon, after the audition ay umulan ng malakas. Base sa na track natin, her location was in the auditorium for how many hours, waiting for the rain to stop. Nang papagabi na, her phone turned off. Kasabay noon may nakakita sa kanyang sumakay ng tricycle. Tricycle na pagma-may-ari ng driver na kasama nila ngayon sa loob ng presinto. Kahapon, I paid him to disclose some information, pero wala rin daw siyang naalala sa mga nangyari kay Chandra. Ang naalala lang niya ay tumawag sa kanya ang asawa niya, bumaba ng tricycle para sagutin ang tawag pero hindi na niya nasagot kasi may tumama daw na matigas na bagay sa ulo niya. Nang magkamalay ulit at dahil sa takot ay dali-dali siyang umalis sa kung saan sila huminto. He doesn't know about what happened after he lost his consciousness."

"Damn it..." tinapon niya sa gilid niya ang Ipad. Sumakit ang ulo niya sa pag-aalala sa nangyari sa dalaga. May rason kung bakit niya nararamdaman ang pag-aalala na ito.

He should feel concern about those people who showed him love and comfort. Kaibigan niya si Chandra. She was an amazing and a sweet lady, the kindest and craziest. She deserved all the love and kindess in the world. Gagawin niya kung ano ang magagawa niya para matulungan ito sa kung ano man ang problema na nasangkot nito kagabi.

"Kinausap mo ba itong Cherry at Harold?"

"Kagabi, pero ang tanging sinabi lang nila ay nakita nila si Ms. Chandra sa daan kaya tinulungan nila. Wala raw silang alam sa nangyari rito, but they sounded so suspicious and nervous. I will monitor their whereabouts from now. At isa pa, iyang sa Cherry Fabroa ay kasali sa singing contest ngayong Sabado. Iyong boyfriend niyang si Harold ay kasali sa isang gang at hinihinilang drug addict. Iyon ang sinabi ng mga kapitbahay nila."

Napabuntong-hininga siyang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"I need to be here while this investigation is going on, Maric. I'll occupy your rest house kung hindi mo gagamitin. And if you have imporant matters to attend to in Alegre or anywhere your work assigns you to, you can actually attend to it. Kayang-kaya ko sarili ko rito."

"Pwede ka namang magpahinga roon sa Culion at kami na ang bahala na umasikaso sa bagay na 'to, Nic. Alam mo namang delikado ka. Kapag may nakakita sa'yo, you'll be forced to come out and be questioned about your accident. At alam mong hindi pwede iyon dahil sa kondisyon ng ulo mo."

"Your rest house is cozy and peaceful. Malayo sa kabahayan. It's a private property on a vast island, Maric. Walang makakita sa akin doon."

"Dinadayo ang isla na 'yon every weekends. I open it for public viewing on those days. Kaya nga mas nirekomenda ko kay Levi na kay Chandra ka mamalagi kaysa sa rest house ko. There's a bigger possibility that foreigners would recognize you."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon