Chapter 26 - Court

1.3K 54 17
                                    

Very sorry for late update. Sobrang busy ko po sa studies ko. Hehe. Di kaya ng time management. Hahaha. Ngayon lang ako nagka-oras para isipin mag-update.  

Unedited. Expect typos and grammar errors. 


__

WORK at ten in the morning, kaya ginising siya ng kanyang alarm clock alas otso ng umaga. Wala na si Seichi sa kanyang tabi dahil baka ginising na ng tatay niya. Iyon ang body clock ng dalawa, alas syete ang gising. Wala siyang nararamdamang pagod pagkabangon hindi gaya ng araw-araw niyang nararamdaman. Maybe because she had slept early. Hindi na nga niya na-review 'yong maliit na script.

Agad siyang bumangon. Inayos ang kama. Hinanda ang kanyang hygiene kit and skincare kit. She picked a nice pair of white spaghetti strapped top and a khaki high waist loose drawstring shorts. She was kind of lady who prefers jeans or loose jeans or shorts more. Nag-de-dress lang siya o skirt kapag may okasyon.

Isang oras ang kanyang ligo, at thirty minutes ang pagbibihis at pag-apply ng light make up. Inaayos niya ang strap ng kanyang flat sandals nang makatanggap siya ng message galing kay Mama Blanco para sa kanyang umagahan at appointment.

Binasa niya lang 'yon saka lumabas na. Pagkarating sa baba ay tinawag siya ng receptionist. Nakakunot ang noo siyang lumapit dito.

"Good morning, Ms. Chandra."

"Good morning," she sweetly greeted back.

"Pina-deliver po pala galing sa flower farm," matamis at malapad ang ngiti ng babae habang inaabot sa kanya ang makapal na bouquet ng bulaklak.

Roses. Crysanthemums. Lilies. Scabiosa. Daises. Three smallest sunflowers. White ribbon ang tali na may nakaipit na handwritten note.

I hope you'll have your sweetest smile while holding these flowers. Freshly picked just for you.

Seichi and I will be waiting in Clarkson for breakfast.

Giving love,

N.A.

Awtomatikong sumilay ang malaki niyang ngiti. Nang tumingin siya sa receptionist ay mas kinikilig pa ito kaysa sa kanya. No. She was the one who were the most kinikilig. Jusko naman. Sinalo na niya yata lahat ng umuulan ng karupukan.

And receiving love, C.C.B.

"Maraming salamat," pasalamat niya sa babae. Tumalikod habang inaamoy ang mabangong amoy ng mga bulaklak. Fresh na fresh nga ang mga ito dahil naamoy niya ang lamig ng umaga. The bloom of the flowers were radiant and smiling too.

She loved it. Ilan taon na ba siyang hindi nakaranas ng ganitong kilig. She received flowers everyday. It was overwhelming and kind. Pero wala ng mas tatalo sa saya kapag pinapadalhan ka ng bulaklak ng taong gusto mo. It was dreamy and pleasurable.

Ilang araw pa ba niyang nakasalamuhang ulit si Nicco pero ganito na ang asta niya. Isa na naman siyang pinakamalaking baliw na ipinanganak sa kalupaan.

Tama pa ba itong nararamdaman niya? Dahil kung hindi ay gisingin na sana siya. O kundi kaya bigyan siya ng gamot kung mayroon man.

Binabati siya ng mga tao nang naglakad na siya patungo sa Clarkson. Guests were entering and exiting the restaurant. Pansin niyang medyo marami na ang mga ito. Halos puno ang buong hall.

Nilibot niya agad ang kanyang tingin nang makapasok. May ilang guests ang napatingin sa kanya. She smiled when guests in a nearby table waved at hear. Namataan niya sa spot nito kahapon ang kanyang mga kasama. Hindi. Sa family-10 chairs table na malapit lang sa spot na inupuan ni Mama Blanco kahapon nakaupo ang mga ito. Si Mama Blanco, Reamy, Alyson, Tatay Gerome, Chico, Seichi, and Nicco.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now