Chapter 23 - Love Her

1.4K 63 26
                                    

Enjoy reading! Unedited

__

ISA, dalawa, tatlo...limang baso na ng tubig ang nainom ni Chanina habang hinihintay ang oras. Mag-a-ala una ng hapon at alas dos ang usapan ng meeting with the adversting and concept team ng Alegre. Medyo tumitila na rin ang ulan, hindi gaya kanina na parang ibinuhos ng langit.

She was tapping her fingers above the table here in Clarkson-Alegre because of the tension. Nilalamon pa rin siya ng kaba. Alyson was hiding his smile on his face while worriedly looking at her. Impakta talaga.

Si Samu na walang alam sa mga nangyayari dahil tulog na tulog kanina ay parang ewan lang dahil hindi nga naman alam ang nangyayari. Si Mama Blanco naman ay nasa malayong mesa, may seryosong kausap sa cellphone. May iba rin itong inalaagan sa showbiz kaya mimo-monitor nito.

Iyong Tatay niya at si Sir Levi ay nasa kabilang mesa, kaswal na nag-uusap. Tumatawa pa ang Tatay niya, ni hindi man lang naki-simpatya sa bibitayin na niya ngayong kaluluwa.

"Hello, Miss Chandra," agad niyang nilingon ang biglang lumapit, bumulong na may nahihiyang boses. "Pwede po magpa-autograph nito? Nalaman po namin kasi na makikita ka sa Clarkson ngayon."

"Okay, sige. Name mo?" sabay ngiti niya at abot nito ng isang pink-blue colored na album niya last year.

"Nora po." Kinuha niya ang marker at sinulat ang kanyang pirma sa ibabaw.

"Thank you."

She asked for a picture, kaya pinaunlakan din niya. Nang makaalis ang kanyang fan ay na-resume ulit ang kanyang kaba. Walang katapusang kaba.

"You look constipated, Chandra. Okay ka lang?" sa wakas, nagsalita na si Samu na kanina pa nakatulala.

"Not okay."

"Sobrang nag-aalala lang 'yang si Chandra kay Seichi, Samu."

"Sino?"

"Iyong nawawalang anak ng kapatid daw ng Mama niya."

She could now swallow a whole ball on her throat. Sisipain na talaga niya si Alyson.

"Nakita naman daw na?"

"Oo, nandoon kay Nicco Alexanders. Akalain mo 'yon."

"The hottie Nicco Alexanders..." biglang dumirekta ang mga mata ni Samu sa entrance door kaya nilunok na niya lahat ng naramdaman niya kanina pa. Binibilog niya ang kanyang mga mata kay Alyson.

"I now smell sex...aray! Sex appeal kasi 'yon." hindi sapat ang isang sipa kay Alyson, kailangan ng sampal at tadyak para matuto ng leksyon.

"Lolo!" Seichi.

"Nicco," boses iyon ni Sir Levi.

"Wait naman. Sabi mo anak ng kapatid ng Mama ni Chandra, pero bakit Lolo..." sinubuan niya agad ng isang cupcake na nasa harapan nila si Samu.

"Kumain ka muna, Samu."

"Tumahimik ka, Samu kundi ipapatumba ko lahat ng baby boys mo," si Alyson na inaakbyan na si Samu pero nasa leeg ni Samu ang palad nito.

"Okay ka lang, Chichi? Walang nangyaring masama sa'yo?"

Doon na siya lumingon para tingnan ang mga nangyayari. Her tears and the urgency to cry was raging on her chest and eyes pero pinigilan niya. She wanted to hug her, too. Nasa kay Seichi lang ang mga mata niya para matingnan pa ang reaksyon ng ibang tao sa loob.

"Okay lang po ako," she cutely said. Doon niya lang napansin ang malaking t-shirt na suot nito. "Sir Nicco took care of me, and pinakain na niya ako, Lolo."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon