Chapter 8- Schatzi

1.1K 53 17
                                    

Sorry for the late update! Maraming salamat sa suporta!
Schatzi - my treasure/sweetheart/darling in German  (shaht-see)

__

Trigger Warning: The following chapter contains graphic depictions of harrasment and woman abuse which some readers may find disturbing. It is intended for mature readers. Reader discretion is advised.


SAKTONG alas sais ng gabi ay nakarating siya sa barangay hall na sinabi ni Larena. Maraming nakapila sa labas na mukhang magpapa-register din. Pumila na rin siya para kumuha ng registration form. May nakita pa siyang mga magagandang babae na nakasuot ng mga denim shorts at yellow strapped spaghetti blouses. May mga numero ang parteng beywang ng mga ito. The heavy make ups on their faces made her conclude that they were peagents candidates.

Lumingon siya sa babaeng tumayo sa likod niya para pumila rin. Wavy ang mahabang buhok, maganda ang makinis na mukha, kasing tangkad naman niya. Palakaibigan ang pagngiti nito sa kanya na sinuklian niya agad.

"Sana umabot tayo? Nag-limit sila ng fifteen contestants lang," ani nito na ikinatingin niya sa mga nakapila.

"Talaga ba?" medyo nanghinayang siya dahil marami nga ang nakapila. Pero lumakas pa rin ang loob niya dahil nakita niya ang tarpaulin kung saan nandoon ang singing contest ng barangay at ang grand prize nito.

"Kung sosobra naman ang mga registrants, they will hold an audition tomorrow and choose fifteen from us."

"Okay. Mabuti naman kung ganoon." Hindi lang din ang prizes ang habol ni Chanina rito kundi ang ma-build ang confidence niya sa pagharap ng maraming tao gaya ng ganitong mga singing contest.

Passion niya ang pagkanta. Hindi man ito ang focus niya ngayon pero gusto niyang kumanta. Someday, she could inspire people by her music. Alalahanin niya ang sinabi ni Nicco na encouragement sa kanya. Hone your skills, improve yourself always. Always look for self growth. You can achieve more, you can always do more. Claim that you'll be an official singer someday.

This was a stepping stone. Maghihintay siya kung saan man siya dadalhin ng talento niyang ito.

Isang organizer ang nag-abot sa kanya ng registration form. Nakasimangot na ito dahil halata na pagod ito. O highblood lang talaga ito. Iyong tipo ng baklang araw-araw sinusumpong ng sama ng loob.

"Salamat po," sabi niya rito. Tumabi siya para umupo sa isang bakanteng monobloc. Noong inabutan ng bakla ang babaeng nakasunod sa kanya ay malaki na ang ngiti nito. May chinika pa ang babae sa bakla.

Halatang na close ang dalawa. Umismid si Chanina nang marinig niya ang babae na nagsabi na sana makapasok ito. Anyway, nag-fill in siya ng mga infos sa form. Pagkatapos niya ay agad siyang nag-abot ng valid ID sa isa pang organizer kung saan ipapasa ang mga forms.

Tiningnan nito ang kanyang ID saka inabot sa kanya habang nagsusulat ang babae sa isang log book ng kanyang buong pangalan. She was on the twenty-fourth line.

"Bumalik ka bukas, Ms. Chandra. Ibigay mo sa lalaking 'yon ang minus one music mo," turo nito sa isang end kung saan nakaupo ang isang lalaki sa harap ng isang laptop. Marami ring nakapila na doon para magbigay ng kanilang mga kakantahin. "Kailangang handa ka bukas."

"Anong oras po, miss?"

"Nine o'clock."

"Sige po, salamat."

"Kapag binigay mo ang kakantahin mo, sabihin mo 'yong number mo. Ika-twenty four ka."

"Okay po."

Hindi siya informed na may proseso pa lang ganito. Sabi ni Larena na magpa-register lang siya, pero may audition pala. Sa pila ay nag-search siya agad ng kakantahin. Dahil sa unprepared siya ay nagpanic tuloy siya kung ano ang kakantahin.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now