Chapter 15 - First Month

1.2K 49 15
                                    

Baka hindi ako makapag-update next week. Super busy ko. Huhuh Thank you!

Still unedited. Beware of typos and grammar errors. 

__

"CHANDRA," papasok na sana si Chandra sa function hall dahil katatapos lang ng break niya nang tinawag siya ng receptionist. She politely went to her. "May nagpa-deliver ng bulaklak para sa'yo."

Usog nito sa isang bouquet para magpantay sa kanya. Tulips naman ngayon. Sa ngiti ng receptionist, mas nauna pa yata itong kiligin kaysa sa kanya.

"Salamat po," kinuha niya ang bulaklak saka binasa ang card na nakalakip doon. Happy First Month, Schatzi! -Nicco

Agad namang sumilay ang ngiti sa kanya. Nicco was overly sweet to her. Sa araw ng birthday niya ay naging kanya si Nicco. The nightmare she had for her birthday just got replaced by the sparkles of love. The time passed by so fast that she didn't even notice dahil sa mga pagpapahalaga ni Nicco na pinapakita sa kanya.

Though every weekend lang silang nagkikita either siya ang pupunta sa isla o ito ang bibisita sa kanya sa kanilang bahay. The set up was fine with her. It didn't make her love him less. Alam naman niyang nagtatago nga si Nicco sa isla ni Sir Maric for safety purposes lalo na ngayon ay usap-usapan ang matagal na pagbabakasyon ni Ava Smith sa Pilipinas. For a very popular Hollywood singer like her, taking vacation in the Philippine was kinda rare. Nicco blurted with her one time that he was suspecting Ava about his accident.

Isang buwan na pero hindi pa rin niya alam ang takbo ng imbestigasyon sa kaso ni Nicco. And Nicco wasn't bothered about the slow progress kahit minsan ay halos araw-araw si Sir Maric sa isla nito para pag-usapan ang insidente. Other than that, hindi niya rin alam kung unti-unti na bang nakaalala si Nicco. She just made sure na kapag magkasama sila ay umiinom ito ng gamot.

Wednesday ngayon pero sisiguraduhin niyang magkikita sila ni Nicco sa isla.

Kinuha niya agad ang kanyang cellphone para magsend ng text kay Nicco. Uunahan niya ito. Araw-araw siya nitong pinapadalhan ng foods na akala nito naman talaga ay hindi siya kumakain. Kaya ngayon, sobrang nasanay na siyang kumakain sa tamang oras.

The food deliveries were reminding her everday.

Kapag weekends naman ay pinagluluto siya nito at tinutulungan pa siya sa ibang core subject units na kailangan niyang tapusin. Next month na siya ga-graduate. Sa wakas.

Chandra: I'll come over. Don't make any surprises, please. Let me cook our dinner today. I love the flowers. Huhuhu. Love you!

Hindi na niya hinintay ang reply ni Nicco at nagmamadaling bumalik sa locker room para ilagay doon ng maayos ang bulaklak. Then, patakbo siyang pumasok sa function hall para sa kanyang trabaho.

Malapit na rin naman niyang ma-complete ang internship hours kaya pag-iigihan niya ang kanyang remaining works. She was too focused on her tasks for the day kaya hindi namalayan na malapit na mag-alas kwatro.

Kaya nang matapos siya ay doon pa niya nabasa ang reply ni Nicco.

Nicco: Noted, schatzi. I'll wait for you here. I always love you, too.

Hindi na siya nasanay sa ganit0ng sweet talks ni Nicco at hanggang ngayon ay napapatili pa rin siya na walang tunog kapag kinikilig. Keep kalma, Chanina.

"Aalis ka na?" Si Kyla na kakapasok lang din sa locker room. Naglilipit na siya ng kanyang mga gamit sa bag. "May party ang mga batch mates natin this Saturday? Game ka ba?"

"Oo, aalis na. May lakad pa ako. At hindi ako free sa Saturday, baka hindi na."

"Ay okay. Iba talaga kapag may love life eh, always active and full sched," asar nito na ikinatawa niya. At dahil naturang epal si Charity na nagliligpit din ng mga gamot nito ay pumasok sa eksena.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now