Chapter 29 - Diamond

1.2K 62 15
                                    

Thank you for still reading! Please share this series if you have time. Salamat! 

Unedited. Typos and grammatical errors. 

__

SUMINGHAP si Cherry sa sinabi niya. May demonyong ngiti ito sa mga labi pagkatapos ng sinubo nitong kinakain ang dala niyang pagkain. "Hindi sapat na sabihin mong may anak si Chandra. Hindi sapat na isang bala lang ang ilalabas mo para dumihan ang career. I want to ruin her like how she ruined our lives."

"Ito lang ang usapan natin, Cherry. Iniisip ko rin ang career ko kapag nabisto ako."

"Ang sabihin mo naaawa ka na sa kanya. Nagpapabilog ka sa pagiging magkaibigan ninyo. I don't care kung masira ang pangalan mo. Masira ako ng buong-buo sa paghihiganti na 'to. Wala akong pakialam kung mamamatay akong mapupunta sa impyerno. I want her to feel the pain na dinadala natin sa buong buhay natin."

He sighed heavily. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid. "Hindi niya kasalanan na nangaliwa si Papa. At hindi rin niya kasalanan ang kasalanan ng Mama niya. Cherry, tahimik naman ang buhay natin. Masaya na naman si Mommy. Sinisira mo ang buhay mo lalo. Dinadamay mo 'yong walang kasalanan."

"Hindi sapat 'yong sakit...habang ako dinadala ko 'yong bigat nang pagkawasak ng pamilya natin. Ang saya saya niya."

"Kung tayo ay iniwan ni Daddy, siya ay iniwan rin ng Mama niya. Wasak din ang pamilya niya, Cherry. Kung masaya at maligaya siya dahil siguro ay tanggap na niya. Nasasaktan din 'yong tao. Nag-mo-move on din siguro."

Mapakla itong tumawa. "Hindi naman ganyan ang pananaw mo noon ah. Hulog na hulog ka ba sa babaeng 'yon?"

"Kailangan mong tanggapin na si Daddy 'yong gago. Siya ang nagwasak at sumira sa pamilya natin. Hindi 'yong bata na kagaya natin na tumutulo rin ang mga luha habang iniiwan ng kanyang Mama."

"Bakit ang dali nilang sumaya habang ako ay nakakandado pa rin sa lungkot sa parte na 'yon ng buhay ko? Bakit parang wala na sa'yo 'yong sakit? Bakit ako hindi ko kaya?"

"Kasi mahal na mahal mo si Daddy. Sino ba namang hindi? Pero Cherry, kailangan mo kasing tanggapin na hindi na 'yon babalik? Dinalaw ka ba rito? Kinumusta ka man lang? Cher, there is more to life than relying for someone to come back."

"Wala na akong patutunguhan. Wala ng natira sa akin. Dito na ako habang buhay. Wala ng magbabago. Malungkot akong mamamatay. Wasak akong tatanda."

Napayuko siya dahil sa sakit at paninikip ng dibdib. Cherry was literally struggling emotionally. Bata pa lang ay Daddy's girl at spoiled na spoiled sa kanyang ama. Sobrang nasaktan nang iniwan sila at ipinagpalit sa ibang babae who was Chandra's mother. Ang ginagawa nito upang maiwasan 'yong sakit ay nagrerebelde, sumasama sa barkada, at nakikipag-boyfriend kung sino sino. Bilang isang teenager, ganoon naman madalas ang coping mechanism. Kaya niya hindi nabantayan ang kapatid dahil ganoon din siya. Sobrang huling-huli na ang lahat nang mapagtanto niya ang unti-unting pagkasira ng buhay niya. Bago siya bumagsak ay bumagsak si Cherry nauna sa kanya.

"I'll stay here in Palawan. Araw-araw kitang dadalawin. We'll stop these evils hanggang kaya natin. I'm so sorry for the times that I failed to be your brother."

"Too late for that. I will not stop."

"You need too, Cherry 'cause I'm so fucking guilty right now."

"Then huwag ka nang makisali. Kalimutan mo na ako. Dahil masaya ka naman sa buhay mo ngayon, may career ka, may fame, kalimutan mo na ako. Sanay ako. Wala akong pakialam kung maging mag-isa ako. I will ruin her in ways more than one."

"Cherry," gigil niyang sambit. Pumikit siya, nawawalan ng pasensiya. "Paano mo naman gagawin 'yon?"

"I'm evil, I have ways to do it."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now